Suffering From Pet Allergies? (Allergic ka ba sa alagang hayop?)

in health •  7 years ago  (edited)

Ikaw ba ay "allergic" sa iyong mga alagang hayop?


Image Source

Nakakatuwa ang magkaroon ng mga alaga na nakakasama natin sa loob ng bahay
Dahil sa nakatutuwang mga kilos nila, nakalilibang para sa atin at nakapagbibigay ng kasiyahan. pero alam nyo ba na ang mga hayop ay maraming dulot na sakit para sa ating kalusugan?
Marami ang may allergy sa hayop, lalo na sa pusa at aso, mga hayop na madalas ay pinatitira natin sa loob ng ating tirahan.
Hindi natin aakalain na magkaka-allergy tayo dulot ng mga alagang hayop, malalaman na lang natin na tayo pala ay allergic kapg tayo ay nakakita na ng mga sintomas nito.

Isa na ako sa mga tao na dinapuan ng sakit (sa balat) dulot ng alagang hayop. Meron akong alagang isang aso at apat na pusa. Mapagmahal ako sa mga hayop at hindi ko matiis na hindi sila papasukin sa loob ng bahay ko kung gusto nila pumasok. Hindi ko rin sila matiis na sa labas matutulog kung malamig ang panahon.

Kung kayo ay may problema din sa sakit na ganito ay wag lang mabahala, hindi dapat mag-alala dahil merong mga paraan at lunas para gamutin ang mga karamdamang dulot ng allergy natin sa ating mga alaga.

HIndi naman masama ang mag-alaga o makipaghalubilo sa mga hayop. Ayon sa pagaaral, nakabubuti ang makisalamuha ang munting bata sa hayop dahil ang mas maagang makihalubilo ang bata ay mas malayo sya sa pagkakaroon ng allergy sa hayop.

S
Image Source

Paano natin maiiwasan ang allergen exposure?

Makabubuti na alam natin o may alam tayo na mga paraan na dapat gawin upang mapuksa at maiwasan o mabawasan natin ang pagkaroon ng mikrobyo sa paligid natin na dulot ng ating mga alagang hayop sa loob ng bahay.

Magkaroon ng malinis na hangin sa paligid

Hindi natin namamalayan dahil hindi naman natin nakikita ang mga maliliit na mikrobyo nasa paligid lamang natin. sila at patuloy lang na malayang lumilipad na wala tayong kaalam-alam. Ano ang maaari nating gawin sa problemang ito? Maaari tayong bumili ng Air Purifier - ito ay makatutulong upang matanggal ang mga maliliit na balakubak na nasa hangin at matatanggal din nito ang iba pang alikabok, mga amag at iba pang munting dumi na kasama sa hangin.

Alagaan at alamin mabuti ang mga dapat gawin para sa kalusugan at kalinisan ng ating mga hayop sa loob ng bahay.

  • Makabubuti kung meron tayong sadyang kwarto para sa ating mga alagang hayop, maiiwasang kumalat ang mga allergens sa paligid natin at mas magiging madali ang paglilinis kung iisang silid lamang ang kinalalagyan nila.


Image Source

  • Palagiang paliguan ang ating mga alaga, gumamit ng magandang uri ng shampoo na gagamitin para sa kanila para makaiwas na magkaroon sila ng mga balakubak. Gugupitan din natin sila ng kuko at lilinisan ng tenga.
  • Alamin ang kundisyon ng kanilang kalusugan.

    Image Source

  • Palagian natin sila i-check ang buong katawan kung galing sila sa labas ng bahay, linisin din ang paa nila upang makasiguradong di nila maipapasok ang anumang dumi o mikrobyo na naapakan nila sa labas ng bahay. Dalhin din sa doctor ng mga hayop ang ating mga aso o mga iba pang alagang hayop upang makaiwas tayo na sakit.


Image Source

  • Mabuti rin na lagi natin sila nasusukllayan upang makabawas sa mga nalalagas na mga balahibo at hindi aksidenteng nalalanghap natin ang mga balahibong maliliit na halos di natin nakikita.


Image Source

  • Bigyan din sila ng masustansyangpagkain o magandang uri ng pagkain ng hayop. Ang mga ito ay may taglay na pampalinis at pampa-wala ng hindi magandang amoy ng ihi ng mga hayop.


Image Source

Saan matatagpuan o nanggagaling ang "allergens" ng hayop?

  • Ihi o dumi
    Kung ang alaga natin ay umiihi at ating pinupusan upan glinisin ay hindi sinasadya na nagkakaroon o mababahiran ng ihi ang ating kamay, kapag hindi natin ginawang maghugas agad ng kamay ay maaari itong mapahid din sa ating mga hahawakang kakainin.

  • laway
    Napakalambing ng ating mga alagang hayop lalo na ang aso at pusa, mahilig tayo humalik sa kanila at may mga alaga na laging nanghahalik lalo na ang aso na mahilig tayo dilaan sa mukha kung ito ay natutuwa or nasasabik na makita tayo sa ating pagdating.

  • Dander o balakubak
    Ang mga balakubak ng ating mga alaga ay di naman natin napapnsin sa paligid, wala tayo kaalamalam na nasisinghot na natin ang mga ito sa kahit na anong oras. Ito ay nasa paligid lang kasama ng hangin na ating nalalanghap. And Air purifier ay malaking tuilong sa atin sa problema na ito.

Maraming salamat sa pagbabasa!

ilovelichie.JPG

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

I love pets and I cant resist loving them, Don't care much about those allergens.

Either do I, their overloading cuteness isn't easy to resist.

although they can sometimes bring troubles and disease.

You're so right @lisaocampo

hellow i am follow for u and u r follow for me and vote

Congratulations @ilovelichie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments
Award for the number of upvotes received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!