Kumusta mga kapwa ko Filipinong stemyan, kaibigan at sangkatauhan dito sa Steemit, karangalan kung ibahagi sa inyo ang aking kunting kaalaman tungkol kung paano gamitin ang website na Steem-Powered Atlas na proyekto, kasi wala pa kaming gabay sa Filipino o Tagalog na bersyon, kaya naisipan kung gumawa ng gabay para sa lahat ng mga kapwa kung Filipino na kaunting maka-intindi ng English at isa na ako dito.
At dapat pansinin na ito ay isang Tagalog na interpretasyon, na ilan sa mga gabay na hango ko sa inilathala ni @pennsif na babanggitin ko sa dulo ng aking paskil/post.
Ano nga ba ang Steem-Powered Atlas?
Ang https://steematlas.com/ ay isang sistema na nagbibigay ng bagong interface para sa libu-libong paskil/post na nakabatay sa lugar sa Steem blockchain.
Mayroon na ngayong halos 40,000 na paskil/post na naka-ugnay sa lumang Steemit interactive map project.
At naghahanap ito ngayon at nagsimulang magdagdag ng marami pang bagong paskil/post upang makatulong na gawing nakaka-engganyo, kawili-wili, at kapaki-pakinabang na mapagkukunan ang Steem-Powered Atlas para sa mga taong gustong matuto tungkol sa mga lugar o lokasyon saanman sa buong mundo.
Ito ay hindi lamang tungkol sa mga atraksyong panturista, kundi pati na rin sa anumang lugar o lokasyon.
Ano ba ang nakapa-tiyak na paskil/post tungkol sa mga ito, maaaring tungkol ito sa;
📌Mga atraksyong pangturista
📌Mga destinasyong bakasyunan
📌Mga bundok at lawa
📌Mga museo at gallery
📌Mga teatro
📌Mga pasilidad at istadyum ng isports
📌Mga zoo, sangtuwaryo ng hayop at mga natural na parke
📌Mga simbahan, templo at lugar ng pagsamba
📌Mga restawran, cafe, bar at anumang uri ng lugar na makakainan
📌Mga tindahan at shopping center
📌Mga unibersidad, kolehiyo at paaralan
📌Mga ospital, klinika at bahay pagamutan
📌Mga istasyon ng bus, tren at sasakyang pangkalawakan
Ang mga alituntunin at limitasyon:
• Naghahanap ito ng mga paskil/post tungkol sa mga partikular na lugar o lokasyon.
• HINDI ito naghahanap ng mga paskil/post sa "The Diary Game" na nagbabanggit ng isa o sa higit pang mga lokasyon.
• Kung bumisita ka sa isang restawran o dinala ang mga anak sa isang theme park, sumulat ng buong post tungkol sa partikular na lugar na ito.
• Gusto nito ang mga detalye at kapaki-pakinabang na impormasyon; kabilang ang mga oras ng pagbubukas, mga presyo ng pasukan, bayad sa paradahan at mga detalye kung paano makarating doon.
• Kasama rin dito ang mga link o higit pang impormasyon tungkol sa napiling lokasyon, tulad ng website at mga detalye ng kanilang official social media account.
• Kung isasama mo ang mga presyo pati na rin ang lokal na pera, maaaring isama din ang mga katumbas na presyo sa STEEM o USD, o hindi bababa sa isama ang kasalukuyang halaga ng palitan.
• Gustung-gusto nito ang mga larawan ngunit maging mapili, gamitin lamang ang pinakamahusay na mga larawan na nakuha mo at gawin itong malaki at malinaw.
• Napakahusay at mas mainam ding magsama ng naglarawang pamagat sa ibaba ng bawat larawan.
• Ang mga paskil/post ay dapat tungkol sa mga lugar na iyong binisita at mga larawang iyong kinunan.
• Hindi ito naghahanap ng mga plagiarized na larawan o nilalamang binuo ng AI. Ang sinumang makikitang nakikibahagi sa alinman sa mga masasamang gawaing ito ay permanenteng ipagbawalan sa Steem-Powered Atlas.
Maaari mong isali ang mga lumang paskil/post at pati na rin ang mga bago bilang karagdagan sa paglikha ng mga bagong paskil/post para sa Steem-Powered Atlas.
Maaari ka ring magdagdag ng mga lumang post na may kaugnayan sa pamamagitan lamang ng pagdaragdag ng tamang PIN code ng lokasyon.
Ito ay isang mahusay na paraan upang makakuha ng mga karagdagang reward mula sa mga lumang post sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga bagong komento o paggawa ng mga compilation post.
Ang mga bagay na kailangang gawin para makalikha ng post sa Steem-Powered Atlas ay:
• Pumunta sa Steem-Powered Atlas na link.
Ito ang link:
https://steematlas.com/
• At i-type ang bansa na gusto mong lagyan ng inyong PIN para madaling matagpuan, halimbawa, (Philippines).
• Pagkatapos pindutin ang SEARCH na kahon at otomatikong lalabas ang mapa ng bansa na gusto mong lagyan ng pin.
• Pindutin ang MAIN MENU na nasa kanang bahagi ng iyong screen kung cellular phone ang gamit mo.
• Pagkatapos lumabas ang tatlong nakasulat at pindutin ang EMBED PIN.
• Pindutin ang CLICK THE MAP TO PLACE PIN na nasa ibabang bahagi ng cellular phone mo.
• I-zoom at tingnan sa mapa ang eksakto, mas tiyak na lokasyon na kung saan gusto mong idagdag ang iyong PIN.
• Pagkatapos FILL THE DESCRIPTION na nasa ibaba at isulat ang tamang pangalan ng iyong lokasyon, halimbawa, (Santo Niño de Cebu-Mactan Parish).
• Otomatikong lalabas ang tamang pangalan sa MY PIN ng iyong eksaktong lokasyon, halimbawa, (Santo Niño de Cebu-Mactan Parish).
• Pagkatapos pindutin ang COPY PIN CODE at otomatikong nakopya ang iyong paskil/post sa Steem-Powered Atlas.
• Pagkatapos kopyahin ang eksaktong lokasyon, ay lumabas ang COPIED.
• Pagkatapos pumunta ulit sa iyong nagawa na paskil/post sa Steemit, at i-paste ang code ng lokasyon ng Steem-Powered Atlas sa dulo ng post at sa ilang minuto ay magsisimulang lumabas ang post sa interactive na mapa.
Paalala: Hindi makikita ang Steem-Powered Atlas link code sa preview ng inyong post, kundi makikita lamang sa orihinal na ginawang post nyo sa Steemit bago nyo nai-publish o na-ipost sa publiko.
Dapat mong tiyakin na idagdag ang wastong lokasyon, at magandang hanapin ang iyong sarili gamit ang Google Maps na kinakailangan.
At ito ang publikasyon na orihinal;
STEEM ATLAS : Curation Guidelines for February 2025
Magamit din ang parehong paraang na ito para sa mga lumang paskil/post gamit ang COPY PIN CODE bago ito i-publish sa publiko.
At laging tandaan na gamitin lamang ang #steem-atlas tag sa mga compilation post.
May tatlong paraan para kumita sa mga lumang paskil/post gamit ang Steem-Powered Atlas;
1)Pagdaragdag ng mga komento habang hindi na makakaboto sa mga lumang post, at maaari lang bumoto sa mga bagong komento.
Kaya, kapag nakadagdag ka na ng lumang post sa Steem-Powered Atlas ay eksaminin itong mabuti upang matiyak na nalagay ito sa tamang lokasyon at pagkatapos ay magdagdag ng komentaryo sa post na nagsasabi, tulad ng katagang (just added this post to Steem-Powered Atlas!).
Babantayan ng mga curator ang mga komentaryong ito sa mga mas lumang post at maaari silang bumoto anumang oras.
2)Paggawa ng isang compilation post ng mga lumang publication, kung nagdagdag ka ng maraming lumang post sa Steem-Powered Atlas, maaari kang gumawa ng bagong post na kasama ang mga lumang post na idinagdag mo.
Ang iyong post ay maaari ring magsama ng impormasyon tungkol sa Steem-Powered Atlas at kung paano mo ito ginamit upang makatulong ng pagsulong sa proyekto.
Kung mayroon kang maraming mga lumang post na angkop para sa Steem-Powered Atlas, maaaring gusto mong hatiin ang mga ito sa iba't-ibang mga paskil/post para sa iba't-ibang mga paksa.
Gamitin ang tag na #steem-atlas para mahanap ng mga curator ang mga nakolektang post na ito at bumoto sa pinakamahusay.
Tandaan na ang hinahanap nila ay kalidad, may katuturan at hindi dami. At tiyakin na ang iyong mga post ay tumutukoy lamang sa mga partikular na lugar o lokasyon na personal mong napuntuhan, ayon sa nakasaad sa ibabaw na bahagi.
3)Lingguhan ang mga premyo para sa pinakamahusay, kalidad na compilation post.
Bawat linggo, pipili ng isang round-up na post na may pinakamagandang hanay ng mga lumang post na idinaragdag sa sistemang Steem-Powered Atlas.
Ang premyo para sa panalong post ay 10 STEEM.
Magsisimula ito sa isang panalong post, ngunit maaari itong magdagdag ng higit pang mga premyo kung may sapat na interes.
Upang maging kwalipikado, ang isang round-up na post ay dapat magsama ng hindi bababa sa tatlong naaangkop na mga post na matagumpay at tumpak na naidagdag sa Steem-Powered Atlas.
Ang mga bagong round-up na post ay maaaring isumite isang beses bawat linggo, ngunit ang mga post na idinagdag sa Steem-Powered Atlas ay hindi dapat inuulit-ulit.
Pakitandaan na ang proyekto ay mayroon na ngayong suporta ng mga kilalang curator tulad ng @steemcurator03 at @pennsif.witness.
Mga publikasyon orihinal para sa;
Tatlong Paraan Para Kumita mula Sa Mga Lumang Post.
• [STEEM ATLAS UPDATE @ 27 Jan '25] Three Ways to Earn from Old Posts
Sana ay makakatulong ang bersyon na ito sa lahat ng mga kapwa kung Filpino, at magsilbing gabay sa paggawa ng kalidad na artikulo sa Steem-Powered Atlas.
Maraming salamat po, at patnubayan tayo ng Diyos!
Upvoted! Thank you for supporting witness @jswit.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you for helping to promote Steem Atlas in the Philippines.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
My pleasure sir...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Supporting the Steem Atlas project.
Thank you from the @pennsif.witness team.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hi there.. kamusta! I will be moving to PH soon so wanted to say hey to any PH steemians..
I will be moving to Cebu at first, but might travel around visayas.. we'll see. say, I made a new server on discord that i would like u to join. I am already doing hive, but know steemit is just like it, so we can talk about anything on there..
here's the invite link,
https://discord.gg/w4EefbaTcW
salamat! hope to see u there! 😉😎🤙
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit