Burnsteem25|| Club5050|| Diary Game Season 3|| February 1, 2023|| "Travel Escapade"

in hive-169461 •  2 years ago 

IMG20230201133908_00.jpg

Isang mapagpalang gabi sa ating lahat mga ka-steemians..
Nabiyayaan tayo ng mga magagandang lugar dito sa mundo, mga puno, halaman, hayop at pati ang mga dalampasigan, kapatagan at kabundukan. Para sa talaraawan ko ngayong gabing ito ay nais kong ibahagi sa inyo ang mga kaganapan kaninang umaga dito sa aming lugar, dahil mahilig ako sa mga byahe lalo na kapag may mga magagandang lugar na tiyak masarap puntahan. Isa sa mga nagpapaganda sa ating kapaligiran ang mga puno. Nagdadala at nagbibigay ito ng preskong lugar, preskong hangin at marami pang iba. Ang una kong nakita ay itong isang maliit na halaman na tumubo sa tigang at matuyong lugar. Ang nasa paligid ng halamang ito ay natuyo na pati ang mga dahon at ang lupa ay natitigang na at nagkabitak-bitak.

Hindi ko akalain na tutubo ito sa ganitong klaseng lugar at nag-iisa lang talaga siya na tumubo dito kaya lubos akong namangha sa aking nakita.

IMG20230201132747_00.jpg

Sa di kalayuan ay nakita ko rin itong napakagandang bulaklak na tumubo malapit sa bangin. ISa itong uri ng ligaw na bulaklak at tumutubo lang ito kahit saan. Kahit ligaw na bulaklak lang ito ay masasabi ko rin na napakaganda pa rin dahil sa kulay, hugis at estelo nito. Dinadapuan ito ng mga insekto gaya ng mga bubuyog, paru-paru at marami pang iba.

IMG20230201132308_00.jpg

Hindi ko rin akalaing may mga halaman pa rin pala na tumutubo malapit sa dalampasigan gaya nito prutas na papaya. Hitik na hitik sa mga bunga at may hinog pa na malapit nang maubos dahil sa mga ibon na kumakain dito. Ang nasa isip ko kasi na kapag maalat ang tubig ay tyak namamatay talaga ang mga halamang malapit dito lalo na kapag tubig tabang lang ang bagay sa kanila. Pero sa nakita ko kanina ay lubos akong namangha at napakaswerte ng may-ari ng lugar na ito.

Ang naturang lugar ay mayaman din sa tanim na saging, at sa katunayan halos lahat ng mga tanim na saging na makikita dito ay malapit nang mamunga at ang iba naman ay malapit nang anihin. Ibabahagi ko sa inyo itong malaking bunga ng saging at dahil sa bigat nito ay malapit nang mabali ang puno nito. Talagang napakaswerte ng taong nagmamay-ari sa lugar na pinuntahan ko. Mataba ang mga halaman na makikita dito dahil ang kulay ng lupa ay kulay brown, ibig sabihin mataba ang lupa katulad sa tinatawag na loam soil o yung lupang kulay itim.
Ang niyog ay isa sa mga pangunahing produkto dito sa Lungsod at ibinibenta ito ng Kilo o di kaya ay ng bou. Kapag copra ang ay ibinibenta ito sa halagang 35 Pesos bawat kilo at kapag bou naman ay ibinibenta ito sa halagang 8 Pesos bawat piraso.

IMG20230201131646_00.jpg

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakbay ay nakita ko itong patay na gagamba na nakalagay sa isang dahon. Malaki ang gagambang ito at ang tawag namin dito ay "Tambayawan". Kadalasang makikita ito sa mga liblib na lugar gaya ng damuhan, malalaking kahoy at sa mga masusukal na gubat. Dahil siguro sa katandaan ng gagambang ito dahilan na siya ay namatay.

IMG20230201131750_00.jpg

Kapag herbal medicine ang pag-uusapan ay hindi mawawala sa isip ng mga taong nakatira dito ang tinatawag na "Hagonoy", isa itong uri ng halaman na magandang panglinis ng mga minor o maliliit na sugat dahil nagtataglay ito ng antimicrobial. Kadalasang dinidikdik at pinipiga para lumabas ang katas nito na siyang panggamot sa mga nagdurugong mga sugat. Kapag maglilinisng sugat ay pinapakuluan muna ang mga dahon at bulaklak nito at ang pinakukuluang tubig nito ay siyang panggamit panglinis sa sugat.

image.png
May mga magagandang bagay ang matutuklasan kapag patuloy tayong magsasaliksik sa mga bagay-bagay na makikita dito sa mundo, at marami pa ang hindi pa natin natutuklasan ang mga tinatagong mga sekreto ng inang kalikasan.

Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa isang talaarawan at ang 25% na payout mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
DetalyeRemarks
PetsaFebruary 1,2023
LugarManticao, Misamis Oriental
Oras9:00 AM
Gamit Sa Pagkuha ng LetratoRealme c11
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Thanks for sharing. Interesting read. Keep it up!

You're welcome, and thank you also for visiting my post. 😊😊

Sadyang may mga bagay sa kalikasan na hindi natin mapaliwanag. kagaya nga lang sabi mo na mga tanim na tumutubo sa tabi ng dagat na akala mo ay hindi possible dahil sa alat ng tubig, pero they have flourish and have bear frurits..

Evaluations:

DetailsRemarks
#steemexclusive
atleast #club5050X
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Burnsteem25
Verified Member/Visitor

Please power up more to restore your club status. You may check your club here.

Tama ka ate. Nakakamanghang isipin . Salamat po sa pagbisita sa king post. 😊