Burnsteem25||Club5050|| Diary Game Season 3|| January 25, 2023|| "Beach Travel Day"

in hive-169461 •  2 years ago 

IMG20230124143419.jpg

Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Nabiyayaan tayo ng magaganda at sariwang lugar dito sa mundong ibabaw dahilan na magkakaroon tayo ng payapang pag-iisip at preskong lugar. Ngayong araw ay nais kong ibahagi sa inyo ang aking pagpunta sa dalampasigan malapit dito sa aming lugar. Tuwing umaga ay maraming mga taong nagsisipuntahan dito para manghuli ng alimasag, hipon o isda na nagtatago sa ilalim ng mga malalaking bato. May mg kabebe ding makikita dito at iilan sa mga ito ay pwedeng kainin. Sa aking pagpunta sa dalampasigan, ay medyo mahangin at may mga malalaking ulap na makikita. Hudyat ito na uulan ano mang oras.

IMG20230124144428.jpg

Kapansin-pansin din itong mga dahon ng saging na hinahagupit ng mga malalakas na mga hangin dulot ng sama ng panahon na nararanasan namin dito sa aming lugar. Ang mga dahon nito ay nagkabitas-bitas na dahil sa hangin pero may mga malulusog na mga bunga pa rin ang mga puno ng saging na ito. Nakaharap kasi ito sa dagat kaya madali lang talagang matatamaan ng mga malalakas na hangin ang mga puno ng saging na ito.

Ang mga matataas na mga puno ng niyog ay sumasayaw din dahil sa lakas ng hangin na nararanasan dito sa aming lugar. Kahit malapit sa maaalat na lugar ang mga puno ng niyog na ito ay may mg maraming bunga pa rin. Kadalasan maraming mga taong nagsisipagpuntahan dito para manguha ng buko lalo na yung mga taong nagsisipagligo sa dagat. Ang ibang mga niyog dito ay hindi itinanim, nahahayaan nalang ito sa lugar, tumubo at lumaki hanggang sa mamunga ito.
Napapansin ko din itong malaking kahoy na itinali sa puno ng niyog. Paraan ito para hindi matangay ng mga malalakas na alon kapag may sama ng panahon. Napakaimportante kasi nito sa lahat ng residente na nakatira dito malapit sa dalampasigan dahil ginagamit nila ito bilang panggatong sa pagluluto ng ulam o sa pagsasaing. Pahirapan ang paghahanap ng panggatong dito kaya kahit medyo basa pa ang kahoy ay sinisibak na nila ito at ibinibilad nalang sa araw para matuyo.

IMG20230124143805.jpg

Ang dalampasigan ay nagtataglay ng ibat-ibang uri ng mga maliliit na bato o peebles kong tawagin. Kadalasan inilalagay ito bilang pangdekorasyon mapaflower vase man o landscaping. May mga ibat-ibang uri, kulay at hugis ng mga bato ang matatagpuan dito at kadalasang kulay ng bato na makikita dito ay kulay puti.

IMG20230124143427.jpg

Hindi lang maliliit na mga bato ang makikita dito, pati na rin ang malalaki. Dito sa bahaging ito makikita ng mga corals na nasa dalampasigan. Kadalasang mga hayop na nagtatago dito ay hipon, isda at alimasag lalo na kapag high tide. Dahil sa nagdaang sama ng panahon at pagbaha ay maraming mga kalat at basura ang dumagsa sa dalampasigan pero ayun sa mga residente dito, nagplano na sila na linisin ang naturang lugar para maibalik ang kalinisan at kagandahan nito.

image.png

Kahit nagkalat ng mga basura sa dalampasigan ay makikita pa rin ang ang kagandahan nito at nagpapasalamat at masaya naman ako dahil sa darating na araw ay manunumbalik na ang kalinisan sa lugar sa tulong din ng mga residente na patuloy na nagmamahal at nag-alaga sa kalikasan at kapaligiran.
Nais kong imbitahan sina nanay @olivia08 , ate @jurich60 at@jessmcwhite para sa isang talaarawan at ang 25% mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
DetailsRemarks
#steemexclusive
atleast #club5050
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Burnsteem25
Verified Member/Visitor

Thank you for evaluating my post po. ☺️☺️

Hi @aehryanglee!

Congratulations!

This post is being recommended for Booming support. Continue to share your original and quality post in our community.

Thank you and have a great day ahead!

@me2selah
MOD

Thank you very much..