Burnsteem25|| Club5050|| Diary Game Season 3|| January 30, 2023|| "Ang Pagpunta Ko Sa Tindahan Ng Mga Damit"

in hive-169461 •  2 years ago 

received_555766833276162.jpeg

Isang mapagpalang gabi sa ating lahat mga ka-steemians. Ngayong gabi ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang pagpunta ko sa tindahan ng mga damit dito sa aming lugar. May mga ibat-ibang uri ng mga damit pambata, pangmatanda, panglalaki at pangbabae ang makikita dito at ang sikat na mga tindahan o ibinibenta na mga damit dito ay ang tinatawag na Ukay-ukay. Isa itong uri ng mga damit na ibinibenta sa mas murang halaga at inilalagay lang ito sa isang mesa para makita ng lahat. Basta ukay-ukay ay marami kang makikita na mga ibat-ibang uri ng mga damit at maraming mga tao ang mahilig sa ganitong uri ng damit. Mahal kasi ang isinabit kumpara sa inilagay lang sa lalagyan at nakakatipid pa sa gastos dahil mura lang ang mga ito. Una kong pinuntahan ang mga ukay-ukay na pambata dahil balak kong bumili ng damit pambata.

received_652920206834682.jpeg

May napili naman akong magagandang uri ng mga damit pampabata at ang halaga o presyo ng mga ito ay nasa 25 Pesos bawat isa. Naisipan kong bumili ng apat na peraso sa halagang 100 pesos. Unang beses ko pa lang na nakapunta dito kaya namangha ako sa aking nakita sa naturang lugar dahil halos kompleto sila ng mga damit na ibinibenta, ang iba ay nakasabit at ang iba ay nakalagay lamang sa isang mesa. Kapag Ukay-ukay talaga ay hinahalungkat talaga ang nasa ilalim na bahagi para makita ang mga natabunan na mga damit. Maraming kamay ang humahawak kaya mabuti talaga na labhan bago soutin o ipasout.

received_556202589891236.jpeg

May mga ibat-ibang uri ng mga tsinelas at sapatos ang nakadisplay din dito gaya nitong mga umbok ng mga tsinelas at sapatos. Sa halagang 150 ay makabili ka na ng isang pares ng sapatos pangbata. Sa pakiwari ko ay puro mga sapatos at tsenilas lang ng pambata ang nakalagay dito. Ibat-ibang ibang uri ng kulay at desinyo at tyak magugustuhan ng lahat na makapunta dito. Ito ay isa ring uri ng Ukay-ukay dahil nakalagay lang ito sa mesa at halo-halo lahat.

received_1352805005481484.jpeg

May mga sling bags din na nakadisplay dito at puro ito magaganda. Sa halagang 250 Pesos ay makakabili ka na ng isang uri ng bag na akala mo ay napakamahal dahil sa desenyo at brand nito. Puro mga pambabae lang na mga sling o shoulder bags ang makikita dito at ayun sa may-ari ng tindahan ay kumukuha pa sila ng iba oang paninda gaya ng mga bags na panglalaki.

received_1118611936198160.jpeg

Dahil sa kamurahan ng mga paninda ay maraming mga tao ang pumupunta dito at tumingin ng damit na gugustuhin nilang bilhin. Nakita ko rin ang aleng ito na abalang-abala sa paghahanap ng damit na gusto niya at masayang-masaya naman siya sa mga damit na nakadisplay dito sa naturang tindahan.

Dahil medyo mainit ang panahon kanina l, naisipan kong bumili ng Dalawang sorbetes, isa para sa akin at ang isa ay para sa aking asawa. Nagpapasalamat at lubos akong masaya dahil kinukunan niya ng larawan ang pagpunta ko dito sa lugar para may pangblog ako dito sa steemit philippines. Nangngahulugan na tudo suporta siya para sa akin para sa blog kong ito. Ang sorbetes ay tamang-tama sa mainit na panahon gaya kanina at sa halagang 20 pesos ay makakabili ka na ng Dalawang sorbetes na nagkakahalaga ng 10 Pesos bawat isa.

image.png
Masaya ako kanina dahil may nabili ako para sa aking anak at nagsisilbi itong pasalubong para sa kanya. Sa susunod na araw ay nais kong bumalik doon para maghanap pa ng mga damit na babagay sa aking anak.

Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa isang talaarawan at ang 25% mula sa payout ng post kong ito ay mapupunta sa @null.
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Thank you very much for supporting my post.

I love ukay-ukay sis, halos lahat ng damit mg baby ko ay sa ukay-ukay na bili hihihi at higit sa lahat ay ukay-ukay online seller ako, Kidswear ukay-ukay naman ang binibinta ko online hahaha.

Pag mag sipag lang talaga mag halungkay sa mga ganyan sis makakakuha talaga tayo ng bago at maganda na mura lang diba? Branded at maganda pa quality ng damit sa murang halaga.

I thought you were selling, it turns out you are shopping there😂

Yes, I was doing shopping there. 🤣

sorry dear for the misunderstanding🙏🥰

Its okay, that is very normal. 😊

Thank you honey🥰

Youre welcome . 😊😊

Nice post about your shopping experience at a thrift store! It's great to see the variety of clothing and accessories available and at affordable prices. It sounds like you found some good deals, especially with the kids' shoes and the sling bags. Enjoy your sorbetes and happy blogging!

Thank you very much po.