Ang una kong napuntahan ay ang bagong daan na ito. Noong nakaraang taon ay ginawa itong daan para madali at maayos na makakadaan ang mga sasakyan na gusto gumamit ng shortcut. Dito sa lugar na ito matatagpuan ang bagong beach resort na ginagawa pa hanggang ngayon, pero pwede na itong paliguan at puntahan ng mga taong gustong tingnan ang kagandahan ng lugar.
Ito ang halaman na tinatawag naming Romblon. Isang uri ng halaman na pwedeng gamiting banig o di kaya ay bubungan ng bahay. Matibay ang dahong ito lalo na kapag kulay brown na ito. Hinahabi at inisampay para matuyo at magamit na bilang tulugan ng mga tao. Kadalasang makikita ang halamang ito sa mga liblib na lugar gayang sa bulubundoking lugar, sa ilalim ng mga malalaking kahoy at iba pa.
May mga ibat-ibang uri ng mga kabute ang matatagpuan at tumutubo dito gaya nito. Tinatawag namin itong Elephant Ear mushroom at nagtataglay ito ng magagandang mga kulay at hugis ng dahon nito. Maganda itong pangdekorasyon sa loob ng bahay lalo na sa mga pader, nilalagyan ito ng pangpakintab gaya ng varnish, ibibilad sa araw tsaka gagamitin. Tumutubo ito sa mga malalamig at mga patay na mga kahoy at minsan sa mga malalaking mga bato.
Napansin ko din itong lugar na ito kong saan may mga kahoy na makikita at sa pakiwari ko ay parang tinatayuan ito ng bahay noong una at giniba. Napakadilikado na maglalakad dito dahil sa mga pako na kinakalawang na. Nag-iwan lang ito ng maruming paligid gaya ng mga basura at iba pang mga bagay na hindi na magagamit.
Ako ay maawain na tao sa lahat ng mga hayop kaya nang nakita ko itong isang aso na nakatayo sa isang abandonadong Waitingshed ay agad akong naawa sa kanya. Nakatingin siya sa akin at parang naghihina na siya kaya ang ginawa ko ay binigyan ko siya ng makakain. Hindi ko alam kong sino ang may-ari ng aso na ito.
Ang unang lugar na pinuntahan ko ay malapit lang din sa dalampasigan kaya makikita mula dito ang napakalawak na karagatan. Magandang magpakuha ng mga letrato dito sa lugar na ito. Maraming mga tao ng gustong pumunta dito sa lugar at ang nasa ibabang bahagi ng lugar nito matatagpuan ang bagong resort ng Barangay Calangahan. Makikita ang maputing kulay na nasa tubig at ang tawag nito ay water current. Dito rin pumupunta ang mga mangingisda dahil maraming mga isda ang makikita at mahuhuli dito.
Napansin ko rin itong mga bangka na inilagay sa mababatong lugar. Papalaot na naman ang mga residente para manghuli ng mga isda. Kapag masungit ang panahon ay itinali at inilalagay nila ito sa matataas na lugar para hindi tangayin at hindi mawasak ng mga malalaking alon.
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you very much for the support.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you for contributing content here at Steemit Philipinnes Community.
Date verified: January 27, 2023
Keep creating quality content to have a greater chance of getting support from the curators.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you for evaluating my post. ☺️☺️
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
We invite you to continue sharing quality content on the platform, and continue to enjoy support, and also a likely spot in our weekly top 7.
Voting date: 29.1.2022
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you very much for supporting my post. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit