Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| January 29, 2023|| "Ang Pagpunta Ko Sa Aming Bakanteng Lote"

in hive-169461 •  2 years ago 

IMG20230129135711.jpg

Tag-ulan na naman at napakahalaga ng mga gamit na panlotu sa bahay gaya ng mga panggatong. Ang pagiging handa sa anumang bagay o panahon ay napakahalaga at napakaganda. Dahil dito hindi na tayo maperwisyo pa at may magagamit tayo kapag may mga malalakas at mahahabang pag-ulan. Binisita ko kanina ang aming lote dito sa Barangay Calangahan Lugait, Misamis Oriental. Napag-isipan ko kasing manguha ng mga panggatong na gagamitin namin sa pagluluto ng ulam at iba pa. Masaya ako dahil may mga tuyong tangkay ng mga niyog nanahuhulog at kahit medyo basa pa ito ay nililinis ko pa rin, papatuyuin ko nalang ito sa bahay.

IMG20230129135821.jpg

Ito ang aming bakanteng lote, wala pang gaanong mga tanim at napapalibutan n ito ng mga damo gaya ng cogon, hagonoy at marami pang iba. Napag-isipan namin na pagtamnan ito ng mga saging sa susunod na buwan ipinagpaliban kasi namin dahil sa masamang panahon na nararanasan namin dito. May mga ilan-ilang mga puno ng niyog ang makikita dito kasama na rin ang mga puno ng mangga. Dahil sa matagal na itong hindi nalilinis dahilan na nababalutan na ang naturang lugar ng makakapal na mga damo gaya ng cogon.

IMG20230129140103.jpg

Kahit masukal ang lugar ay pinilit ko pa ring maghanap ng mga kahoy na siyang gagamitin namin bilang mga panggatong. Dahan-dahan lang naman ako sa aking paglalakad para hindi ako matitinik sa mga matutulis na mga pinutol na puno. Ganito ng ginagawa ko dito sa amin, naghahanap ng mga kahoy at ibinibilad sa araw kung ito ay basa pa at hindi pa pwedeng gamitin. Balak namin na palinisin ang boung lugar sa susunod na buwan para mas lalong mapapakinabangan ang aming lote.

IMG20230129135923.jpg

Nagsimula na rin kaming magtanim ng mga panibagong niyog para may mapapalit na sa mga matatandag niyog na unti-unti nang natutumba dahil sa katandaan na nito. Mas mahalaga at maganda kasi na may ipapalit na para mapanatili ang mg tanim na niyog dito sa lugar namin at makakaani ng marami kapag ito ay nmumunga na. Nililinis lang namin ng mga tuyong dahon at inaalisan ng mga putol na dahon ng niyog. Masaya naman kami dahil lumalaki ang tubo naming niyog na malulusog at mataba at ayun din sa lugar na pinagtatamnan namin dito.

IMG20230129135841.jpg

May mga iilan ding mga niyog ng hindi pa namin naitanim gaya ng mga ito. Tumataas na ang mga dahon nito at pwede na talaga siyang itanim. Tumitingin muna kami ng lugar na mapagtatamnan nito pati ang kalidad ng lupa kong ito ba ay magandang pagtamnan o hindi.
Ang mga nakuha kong mga panggatong ay agad naming dinala sa waitingsheed para hindi mabasa kapag uulan ulit.

image.png
Napakahalaga at napakaganda na palagi tayong handa sa ating sarili lalo na sa mga gamit sa bahay. Hindi na tayo maperwisyo at may magagamit tayo sa oras ng pangangailangan.

Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa talaarawan, at ang 25% mula sa payout ng post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

Thank you very much..

Namis ko mag ganyan sis, manguha ng pang gatong, ug sa bisaya pa mangahoy hihihihi.
Nindot na sis nai daghan cogon, ka hinumdom ko cogon ang atop sa among payag sauna.

Childhood memories jud naku na imong content ron sis ay hihihi.

Mao ni among permi gabuhaton diri sis, di man gud mi ga gamit ug stove kay mahal ang tangke. 😂😂

Kami pud sis kahoy rami diri maski naa me sa city, pero sosyal man among pangahoyanan diri hahaha hardware man sa among kaila ug naa silay mga na gabok na nga kahoy, adto me mangayo pang sugnod hihihi.

Ah, permi gyud na naay kahoy diha sis. 🤣

Wow, libre na sa kahoy. Hang lucky ninyo may bakanteng lote kayo. Oo, nga puede din taniman sa gitna ng papaya.

Yes ate.. marami kasi niyog dito 😊kaya maraming panggatong.

TEAM 5 CURATORS

This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags.
Curated by: @chant
BRINGING_MUSIC_TO_YOUR_EARS.gif

Thank you very much..

Mabuti naman na mayroon kang pagkakataon na bisitahin ang iyong lote at manguha ng mga panggatong para sa iyong pagluluto. Ang pagtatanim din ng panibagong niyog ay napakalaking hakbang para mapalitan ang mga matatandang niyog. Ang pag-aalaga sa iyong lote ay magbibigay sa iyo ng mas maraming mga benepisyo sa hinaharap.

Tama po kayo at isa rin itong magandang puhunan para sa hinaharap.