Steemit Philippines Photography Contest Week 3 || Ang ala ala

in hive-169461 •  3 years ago 

Hello po sa inyong lahat, ito po ang unang beses ko po sumali sa isang contest, sana magustuhan at maitindihan niyo at sana din po makabigay din ito ng inspiration.

Ala ala po ang pinamagat ko sa contest na ito dahil tayong mga pinoy maraming ala ala tayo nabubuo sa ating isipan, gaya ng ala ala ng nakaraan o di kaya maalala mo kung ano ang ginagawa mo noong bata ka at bigla ka mapapangiti, at higit sa lahat may biglang kang maalala napayapa na mahal sa buhay at bigla tutulo yung luha dahil masakit ito sa dibdib.

IMG20191004213438.jpg

Gaya ng sa pinakamamahal kong lolo nanatili na lamang itong ala ala dahil kakamayapa lang ng lolo ko masakit man ito pero tatanggapin ko nalang, kahit wala na ito sa amin hindi naman siya mawawala sa isip at sa puso ko.

Lahat tayo may kanyang kanyang ala ala pero kahit ala ala na lamang ito ay mahalaga parin ito sa buhay natin kahit mananatili na lamang ito sa ala ala pero tayong pinoy kahit matagal na ito o nasa nakaraan na ay maalaala natin ito dahil isa lang naman ang ibig sabihin nito kundi mahalaga o mahal natin ito.

Alam ko na nakaramdam din kayo ng para bang may bigla kang na ala ala na hindi mo alam kung saan ito nagsimula o di kaya yung parang maisip mo kung nakaranas kana ng ganyan o di kaya napagdaanan mo na ito pero hindi mo masyado makikita kasi malabo ang nasa ala ala mo. Isa lang naman ang ibig sabihin nito yung katawan kasi natin ay nabubuhay na ito sa nakaraan mga nasa ilang daan na lumilipas pero kapag yung katawan natin mabubuhay ulit ito sa hinaharap ay maalaala mo yung nakaraan pero malabo na at hindi mo na ito maibabalik pa.

Kahit matagal ng taong lumilipas hindi parin mawawala ang ala ala at mananatili na lamang ito sa ala ala, mamatay man o mabubuhay ulit ang ala ala ay hindi kumukupas dahil mananatili ito sa ating isipan.

Ito muna po sa ngayon at maraming salamat!!

Nagmamahal ang kapwa niyong steemian, @agentlin423

Nais ko sana imbitahan sina @remay , @melinjane at @marlon82

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme7
2. Creativity7.5
3. Technique7
4. Over all impact7
5. Quality of story7
Total score7.1

Salamat po!!!!

Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/343 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme7.5
2. Creativity7.5
3. Technique7.5
4. Overall impact8
5. Quality of story7.8
Total Ratings/Score7.66

Maraming salamat po!!

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 3 with the Theme: Filipino Culture.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

God Bless po!!!

Sobrang saya ko po.