Hello Steemians,
Isang magandang araw po sa ating lahat. Kahapon bumyahe kami papuntang Pampanga at Bataan dahil meron kaming mga taong kakausapin patungkol sa aming negosyo. Maaga kaming umalis sa bahay mga past 7am dahil kailangang bago mag ala nwebe eh andun na kami sa Pampanga. Maganda ang kalangitan kahapon. Maulap na medyo maaraw na mahangin kaya napakasarap magbiyahe. Nataong linggo din kaya kaming tatlo ng aking asawa at anak ang bumyahe.
Eto yong hi-way na nadaanan namin sa may Pampanga kahapon. Makikita mong ang ganda ng kalangitan. Parang nakikiayon sa Independence day celebration na din. Papunta eto ng Pampanga etong hi-way na eto.
Pagdaan naman namin sa SCTEX o Subic-Clark-Tarlax Expressway lalabas ka muna sa Tipo Express way galing sa loob ng Subic Bay Freeport Zone. Madadaaanan mo ang dalawang tunnels bagong gawa lang yong sa kabila dati isang tunnel lang eto ngayon magkahiwalay na. Yong papunta ng Manila at yong pabalik ng Subic kaya hindi na matraffic. Pag dumaan ka dito akala mo nasa ibang bansa ka. Ang lapad ng hiway at makikita mo ang mga kabundukan.
Eto yong toll gate paglabas mo na ng sctex. Mamimili ka alng kung under cash payment ka or rfid. Dun kami sa RFID dahil meron namang RFID yong pick-up truck namin.
RFID - stands for radio frequency identification. Ginagamit eto para cashless na ang transaction. Pagdaan mo automatic mababawasan na ang balance mo sa iyong card. Lalagyan mo lang ng load para tuwing bibyahe ka no hassle na direcho ka nalang lalabas sa toll gate. HIndi kana maghahanap pa ng barya para sa pambayad mo sa toll fees.
Eto naman ang makikita mong mga tanawin. Gustong-gusto kong dumaan dito sa sctex dahil panay luntian ang iyong makikita dahil sa mga palayan at mga kabundukan. Tuwing nakikita ko sila parang ang sarap sa pakiramdam. Napakasaya at sobrang nagpapasalamat ako at ako ay buhay sa araw na eto. Kahit medyo may kamahalan ang toll fees pero okay naman dahil mabilis lang ang biyahe walang traffic.
Pagkatapos namin sa Pampanga ay dumirecho naman kaming pumunta sa Bataan. Nagpasya kaming kumain ng aming pananghalian sa aming paboritong kainan. Ang pangalan ng restaurant ay Arcavista. Dati ang pangalan nya ay Bariotik eat all you can. Isa syang Kapampangan restaurant kaya ang sarap ng mga pagkain nila. Kung mangagaling ka sa syudad namin eto ay nasa 45 minutes na drive din ang layo via sctex exit. Madalas kapag meron kaming special occasions sa bahay at sa company namin kagaya nung Christmas party namin last year 2021 dito namin dinala mga tauhan namin para magcelebrate ng aming Christmas salo-salo.
Ang restaurant na eto ay nasa tabi lang ng hi-way sa Dinalupihan, Bataan. Eto yong pinakaunang bayan na madadaanan mo papuntang Bataan province. Dinadayo etong resto na eto dahil eto ay Eat all you can. Sympre kadalasan kapag bumabyahe eh gutom ka sa byahe kaya swak na swak to pag gutom ka dahil talagang mapapalaban ka sa kainan. Skies the limit kahit ilang balik ka pa bahala ka!.... ahahaha.
Hindi naman ganun kagara ang lugar pero maayos at maganda naman sa loob, simple lang.
Pagpasok mo bubungad kaagad ang mga lamesa at ang isang mahabang lamesa na andun nakalagay ang mga pagkain. Napakaraming putahe ang hinaganda nila araw-araw. Kahapon binilang ko ang mga pagkaing nasa mahabang lamesa ay nasa labinglima din maliban sa kanin at sa aroz valenciana. Pero bago ka kumain kailangan mo munang magbayad ng P282.00 para sa isang plato... ang mahal ng plato ano... ahahaha. Eto yong halaga ng kanilang eat all you can.
Eto yong mangilan ngilan sa mga pagkaing nakahain kahapon. Meron silang adobong ginataang barilyete kung mahilig ka sa isda at meron ding inihaw na telapya at tahong.
Meron silang buttered vegetables and chopsuey pati pancit.
Meron din silang kare-kare, Pork kaldereta, Menudo, chicken curry, pork tofu, dinuguan. Lahat nakapasarap.
Sa dami ng pagkain tatlong putahe lang ang aking kinain dahil busog pa ako sa almusal namin sa Mcdo. Grabeng nagfood trip talaga kaming tatlo ng aking asawa at anak. Isang balik lang ako sa main course ang talagang nilantakan ko ay ang ginataang bilo-bilo dahil ang daming sahug at merong langka. Sobrang paborito ko ang langka kaya binalik-balikan ko tlaga tapos mainit pa bagong luto kaya ay naku grabe feeling ko nasa langit ako.... ahahaha
Eto lang ang laman ng plato ko mga kaibigan. Kumuha ako ng pork kaldereta, menudo, dinuguan at tatlong hotdog.
Nabundat talaga kami sa dami ng pagkain nila. Hindi na masama ang halagang binayad namin. Pero siguro kung hindi kami dumaan sa Mcdo baka makatatlong plato ako... hehe.
Nakapunta naba kayo sa isang eat all you can din na restaurant mga kaibigan? Nakailang balik din ba kayo?
Hanggang dito nalang ang aking kwento sana ay nabusog ko kayo habang binabasa nyo ang post ko na eto.
Thanks for dropping by,
@aideleijoie
Wow Ang saya ng road at food trip nyu po Ate 😍
Nakakatuwa dhil cashless na sa mga toll gate, hassle free mangalkal Ng baryamos..& Ang ear all you can restaurant ay talaga Naman nag crave Ako habang binabasa at nakikita ang masasarap na foods 🤤😋
Gusto ko ung pritong bangus at Yan naka ibabaw ung mga okra at talong 🥰
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hang blessing Naman Ng lakad ninyo. Super busog na busog. Sayang nag almusal Ka na sa mcdo. E sarap e balik Ng balik sa eat all you can.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Eat all you can? Nung nagoopisina ako, yan ang pinagkakatuwaan nming puntahan nb officemates ko. Matakaw ako sa seafoods at desserts. Namiss ko tuloy joie.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
haha, naku ate grabe bundat ka talaga paglabas daming foods.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Grabe yung mga pagkain po. Nakakatakam. Ang saya nga naman ng road trip niyo po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hello,
We have checked your wallet and it seems that you haven't powered up in a long while. We suggest powering up at least 50% of your earnings to become a qualified #Club5050 member and have a higher chance of Booming recommendations.
Thank you!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
oh! my apologies curator. Okay I will do that. Thank you very much.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hala nagutom tuloy ako sa dami ng foods ate! also, i hope CCLEX sa cebu will implement the RFID na soon...
ingat kau!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
yan ang gusto kong mapuntahan sis ang cclex, yan yong longest bridge na natin ngayon di ba? oo nga eh daming food as in kaya need gutom ka para hindi masayang yong bayad.. haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit