The Diary Game Feb. 1 , 2022 : Ang Aming Pamamasyal sa Magadang Tourist Spot sa Bukidnon

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Magandang araw mga ka Steemit ! Sana ay nasa mabuti kayong lahat.Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko ang aming pamamasyal sa Bukidnon.

9f8bbf9c635b004f45d9e2ec85a25d21.0.jpg

Noong nakaraang Biyernes kami ng aking mga anak ay bumyahi kami papuntang Malaybalay Bukidnon tamang tama naman na inimbita kami sa birthday ng aming kamag anak.

IMG_20220128_190143.jpg

Umalis kami at sumakay ng Bus ng alas 6 ng gabi at dumating kami ng Malaybalay Bukidnon ng 9:30 ng gabi agad kaming kumain ng hapunan pag dating at natulog dahil kinabukasan ay pupunta kami ng Impasug ong Bukidnon para mamasyal at makita ang sinasabi nilang mini New Zealand.

Kina umagahan pagkatapos naming mag almusal ay umalis na kami at bumyahi papuntang Impasug ong. Sumakay kami ng multicab at pagdating namin ng Impasug ong ay dumaam kami sa Tourism office para magpa picture sa malalaking Native Istatwa. Madami ang nagpapakuha ng picture sa malaking istatwa.

19a48caec9667a9749d7cca342cfffdb.0.jpg

ac70b00371e2331d1c3c8df9bc26d285.0.jpg

f1e0daa51083a4f63759572f10e1aeca.0.jpg

Pagkatapos naming magpa picture ay sumakay kami ng habal habal papunta sa nais naming distenasyon na bundok ng Impasug ong. At pag dating namin ay agad kaming namangha sa ganda ng bundok at napakaganda masarap sa mata laging tingnan lalo na maka langhap ng sariwang hangin sa paligid.

6bf76009b1ba1cd506a7ec689772727b.0.jpg

f5ac0075499cce86910135ab024a6a54.0.jpg

4f63359aa9be45e19db421101c56ece0.0.jpg

Nagpakuha kami ng maraming picture at tuwang tuwa kami dahil nakapag pa picture kami sa napakagandang lugar at maganda ang kuha ng aming litrato.

Sa unahan ay may nadaanan kaming banga at madami ang nag iigib at uminom ng tubig mula dito sa banga.

f177bf87388727b25a54a6ce3213cb30.0.jpg

f92a1454e566c584473a80ad613359c8.0.jpg

Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa isang kamag anak namin at pinaghandaan nila kami ng Kamoteng kahoy at kape napakasarap ipares ang kape at kamoteng kahoy lalo na at malamig ang klima .

FB_IMG_1643694419366.jpg

Malapit sila sa lawa kaya nakonan ko rin ng picture ang lawa at maganda rin ang tanawin nito.

FB_IMG_1643694432330.jpg

Isang napakagandang ala ala ng aming pamamasyal sa Impasug ong Bukidnon.Muli pa kaming babalik sa Bukidnon para mamasyal sa ibang lugar.Sana ay nagustuhan ang aking post ngayong araw na ito.

Maraming Salamat sa inyong pagbabasa .Hanggang sa muli mga kaibigan.

received_256680266059278.webp

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!