Post Your Most Amazing Christmas Photo Challenge - Unang Pasko Bilang Isang Ama

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang Araw po sa Inyong Lahat!

Kamusta po kayo? Medyo matagal-tagal na rin po akong hindi na pagsulat dito sa ating komunidad. Ngayon ang post na ito ay entry ko para sa contest na POST YOUR MOST AMAZING CHRISTMAS PHOTO CHALLENGE.

Marami po akong mga larawan sa pasko. Pero itong ibabahagi ko sa inyo ay isang special na milestone sa aking buhay bilang isang ama. Nagpapasalamat ako sa aking asawa na naitago pa niya ang mga larawan na ito.

Ang mga larawan na makikita ninyo sa baba, ay kuha noong unang Pasko ng aming panganay na anak. Ibig po nitong sabihin, unang Pasko din namin bilang mga magulang. Unang Pasko ko bilang isang ama.

d3000 1222.jpg

Para po sa kaalaman ng lahat, kami po na mag-asawa ay tumira malayo sa aking mga magulang at malayo din sa mga in-laws ko. Wala po kaming kamag-anak na kapitbahay. At sa unang Pasko namin na may anak, kami lang tatlo ang nagdiwang. Masaya naman kami. Dahil kompleto kami ng aking maliit na pamilya. Taong 2012 po ito. Hindi kami umuwi sa Negros at hindi rin sa kami umuwi sa Laguna.

d3000 1218.jpg

Tight po ang budget sa mga panahon na ito. Kaya minabuti namin na sa bahay nalang namin dito kami magdiwang ng kapaskuhan. Masaya naman kami. Naghanda kami ng konting pagkain. Hindi marami kasi kami lang naman dalawa ng asawa ko ang kakain. :D

d3000 1215.jpg

Kung makikita po ninyo sa mga larawan, bakas po sa aming mga mukha ang kaligayahan. Lalong lalo ng ang aming napaka-Cute na anak. Napaka inosente. Ngayon Siyam na taong gulang na sya. Ang bilis ng panahon. Pero masarap balikan ang mga pagkakataon na ganito. Lalong lalo na na maibalik pagnakikita mo ang mga larawan ng nakaraan.

Ang Christmas Tree na nasa larawan po ay yan lang natatanging Christmas decoration namin. Na minsan eh hinahablot pa ng aming anak. heheh.

Para po sa akin, hindi mahalaga ang sobrang pampaskong palamuti. Ang importante masaya ang mga taong naninirahan sa loob ng aming tahanan.

Sa totoo lang po, natutuwa akong tingnan ang mga larawan na ito. Sana ay nagustuhan ninyo ang aking kuwento sa likod ng mga larawan sa taas.

Hanggang dito nalang po at hanggang sa muli!

Inaanyayahan ko pala ang aking mga kaibigan dito na sina Ate @jurich60, @jewel89 at ang aking asawa @me2selah na sumali sa patimpalak na ito.

Ang iyong kaibigan,
Arjay

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Relate ako sa feeling ng pagiging magulang, unexplainable...

Salamat po Ate!

haha, yes mommy, 8 times!

Kay ganda ng iyong storya sir.

Maraming salamat sa pagbahagi at pagsali dito sa ating contest. 😊😊

Salamat Bro!

Walang anuman po. Enjoy posting.. 😊

wow ang ganda ng story at ang cute ni baby... wala nang sasaya pa sa pasko basta ang pamilya kompleto...🙂

This post has been recommended for booming support today. Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.
Maraming salamat po

Maraming salamat po Maam.

Kitang Kita Ang kasiyahan ng inyongga ngiti. Syempre Ang cute ba Naman ng baby na yan.heje

Thank you po Maam.

Ang cute naman ng inyong photo brother iba tlaga ang kasayahang dulot kapag ikaw ay isang magulang at ama na. Happy family tlaga.

totoo po yan sis. maraming salamat sa pagbisita.

so cute little girl sir

thank you Maam.

Now malaki na bb

opo malaki na. malapit na maging dalaga.