Magandang Araw po sa inyong lahat!
Kamusta kayo? Ngayon po ay gusto ko pong ibahagi ang mga pangyayari sa aking buhay bilang isang ama ng tatlong anak na babae. Noong araw ng Sabado, Mayo 22, Wala po akong trabaho. Sa araw na iyon tinulungan ko ang aking asawa sa pag assist ng aming mga anak sa kanilang modules.
Kinahapunan biglang bumuhos ang malakas ng ulan. Nakaugalian po namin mag-ama na maligo sa ulan. Gusto ko rin ipa-experience sa aming mga anak yung mga nakaugalian ko noong bata ako. Kagaya na lang po ng pagligo sa ulan. Ito ay magandang karanasan na hindi nila makakalimutan.
Sobrang lakas po ang ulan noong araw na iyon. Pati ang iba namin na kapitbahay ay naligo din. Tuwang-tuwa ang mga anak namin. Kahit ang lamig ay hala sige pa rin.
Alam po ang mga pagkakataon na ito ay mga memories na hindi mababayaran ng salapi. Mga karanasan na hindi makakalimutan nila hanggang ka kanilang pagtanda.
Naliligo din po ba kayo sa ulan?
Hanggang dito na lang po. Maraming salamat sa pagbasa.
Maraming salamat Steemit Philippines at @steemitphtcurator sa pagkakataon na makapagbahagi ng aking Diary.
Ingat po tayong lahat at magandang araw!
Ang iyong kaibigan,
Sa totoo lang ang sarap maligo sa ulan. Naalala ko tuloy noong bata pa ako, gumagamit ng payong, pero pagdating sa bahay, basa pa rin kaya naligo nalang.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
masarap maligo sa ulan. maraming salamat po!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Totoo yan magiging memories para sa kanila ang ganyang rare moments ninyo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Opo Ate. gusto namin na maging masaya yung childhood nila.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit