Magandang Araw po sa inyong lahat!
Kamusta po kayo? Ngayon po ay aking isasalaysay ang isa na naman pangyayari sa aking buhay kasama ang aking pamilya. Noong isang araw, nagluto kami ng ulam namin sa labas ng bahay gamit ang kahoy na panggatong.
Ganito kasi yon, naikuwento ko kasi sa aming mga anak na noong bata pa ako ang gamit namin sa pagluluto ay apoy gamit ang panggatong na kahoy. Ngayon kasi hindi naman kami nagamit ng panggatong. Meron naman LPG at stove.
Pero pinagbigyan ko sila. Meron naman maliit na lugar sa harapan ng bahay namin. Pinakita ko sa kanila paano magsimula ng apoy gamit ang pusporo at kahoy at papel. Mabuti nalang meron kami mga kahoy na pwedeng ipanggatong. :D
Eto na yong nagawa namin na apoy. Gumamit kami ng bato para dun ipatong ang aming kawali.
Nagprito po kami ng bangus. Isa po sa mga paborito namin na ulam kahit matinik. LOL
Tuwang- tuwa po ang aming mga anak habang niluluto namin ang bangus. Hindi ko na po nakunan ng larawan yung sila ang naghawak ng sanse. :D Naging matagumpay po ang ginawa namin na pagluto.
At ayun po ang nangyari sa amin ng aking pamilya noong May 26. Naipakita ko sa aking mga anak kung paano magluto gamit ang panggatong na kahoy.
Maraming salamat po sa pagbasa hanggang dito.
Maraming salamat din sa Steemit Philippines at kay @steemitphcurator sa pagkakataon na makapagbahagi.
Hanggang sa muli!
Ang iyong kaibigan,
Nice one a good example na maipakita ng mga bata áng ating nakaraan
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
opo para d naman sila maging ignorante sa nakaraan. Maraming salamat po sa pagbisita.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maganda po yan na ibinahagi at ipinakita nyo po sa inyong mga anak kung papaano magluto nung kapanahunan ninyo at natin. Because it is in that way they will learn the value of things. They will learn to respect and be grateful for what they have. They will learn to appreciate what they have. Mostly, you are in a way teaching them survival skills na pag wala ng LPG gas pwede pala ang kahoy. Ang saya saya siguro ngnmga anak ninyo habang nagpiprepare kayo ng apoy, parang bonfire lang sa yard.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
oo tama po. para meron sila iba na matutunan maliban sa pag On and off lng ng stove heheh. thank u po sa pagbisita.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wow galing namn nakaka miss nga ganyan na pagluluto at masarap ang niluto dyan kumpara sa lpg ang gamit..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Opo. amoy usok heheh. maraming salamat po sa pagbisita at supporta.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit