#Club5050- The Diary Game (March 28, 2022) Family Love Is Binding For Life

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

PhotoGrid_Plus_1648376671585.jpg
20% payout goes to steemitphcurator

Mapagpalang araw sa atin lahat lalo na sa komunidad ng steemitphilippines. Hangad ko na nasa maayos na kalagayan kayong lahat lalo na ang kalusugan ng bawat isa.

Ang pamilya ay regalo ito ng Diyos na maituturing natin itong kayaman. Ang ating mga pamilya ay nagsisilbing gabay para tayo maging mabuting isang tao at nagtuturo din patungo sa matuwid na daan.

Ang ibabahagi ko ngayon ay ang pagpunta namin ng dagat kasama ang mga mahal sa buhay. Naging maayos naman ang panahon kaya napakalaking bagay para sa mga bata na maka pagsaya sila.

IMG_20220319_103005.jpg

Masaya ang aking pamilya dahil nagkaroon kmi ng panahon para makapunta sa dagat. Umaga palang ay masaya na sila dahil matagal na na rin na panahon na hindi sila nakapunta ng dagat para maligo.

IMG_20220319_103427.jpg

IMG_20220319_103424.jpg

Syempre di mawawawala ang iba't ibang pagkain na inihanda. bago maligo kumain muna kami dahil malapit na rin ang oras ng tanghalian. Maliban sa pamilya ko kasama rin ang mga pinsan ng mga anak ko, at ang pamilya nila. kaya masaya ang mga bata dahil marami silang mga kalaro.

IMG_20220319_111234-01.jpeg

IMG_20220319_110730-01.jpeg

Hindi maraming tao ang napuntahan naming dagat, Kaya madali silang makita habang naliligo. kailangan din talaga mayroon sumubaybay habang naliligo sila para maiwasan ang disgrasya. kaya yun ang naging papel ko, kasama na rin din ang pag kuha ko ng mga larawan habang pinagmamasdan ko sila.

IMG_20220319_124709.jpg

IMG_20220319_110749.jpg
Nakakatuwang pagmasdan na ang mga bata na masaya sila habang naglalaro sa alon ng dagat. Mahalaga itong aktibidad dahil makakatulong ito sa pagpapaunlad o development bilang isang bata. una diyan ma develop ang kanilang mga kakayahan at matututo silang makihalubilo sa mga bata. At isa pang benepisyo mababawasan ang paggamit nila sa mga gadget. Alam naman natin na halos ang mga bata ngayon ay wala na rin oras maglaro sa labas o mag ehersisyo dahil sa sobrang paggamit ng mga gadgets.

IMG_20220319_152303.jpg

IMG_20220319_152259.jpg

Salamat sa panginoon na nagkaroon kami ng panahon para mag piknik sa dagat. at malaking bagay din na naging maayos ang panahon. at syempre ang proteksyon ng Diyos ay nandiyan palagi, kaya hanggang maka uwi kami ay naging ligtas ang bawat isa.

Hanggang dito nalang, sana nasiyahan kayo sa maikli kung talaarawan.

God Bless!
@caydenshan

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

image.png

Wow! Kaganda Ng beach napuntahan ninyo super enjoy Ang mga Bata!

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

Congratulations!

Luzon Moderator
kneelyrac

Thank you @kneelyrac for for chosen my post for @booming support.
God bless!

Napakagandang tanawin Ng inang kalikasan kasama ang mga Mahal sa buhay! God bless you all!

Salamat @sarimanok

Ang saya ng bonding!