The Diary Game (May 29, 2022) Recognition Day Of My Son| 10% Payout Goes To @steemitphcurator

in hive-169461 •  2 years ago 

PhotoGrid_Plus_1653733653896.jpg

Mapagpalang araw sa ating lahat lalo na sa komunidad ng steemitphilippines. Hangad ko na nasa maayos na kalagayan kayong lahat lalo na ang kalusugan ng bawat isa.

Ang nais kung ibahagi sa araw na ito ay ang pagtatapos ng anak ko sa ikalawang baitan ng elementarya. Ang araw na ito ay isang tagumpay dahil sa kabila ng mga pagsubok na dala ng pandemya, kahit papano nakapag-aral parin ang mga estudyante sa pamamagitan ng modular at online class na pamaraan.

IMG_20220527_171110.jpg

IMG_20220527_170804.jpg

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pakikinig ng salita ng diyos sa pamamagitan ng isang pastor, siya ay si pastor john, siya ang pastor sa paaralan na ito. (Grace Baptist Academy) ang paaralan na ito ay isang christian school. Para sakin, sa ganitong pagtitipon mahalaga ang magkaroon ng pagbabahagi ng salita ng diyos, sa ganoon ang mga magulang ay magkaroon ng karunungan mula sa Diyos panu hubugin ang kanilang mga anak na naayun sa kalooban ng diyos.

IMG_20220527_172446.jpg

IMG_20220527_173615.jpg

Maraming mga mag-aaral ang nagpamalas ng kanilang mga talento lalo na yung mga magtatapos na sa secondary level. Lubos ang kagalakan ng mga magulang dahil nakikita nila at nasasaksihan ang resulta ng kanilang mga sakripisyo, para magkaroon lang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

IMG_20220528_182334.jpg

IMG_20220528_182246.jpg

Bilang magulang lubos tayo na masaya kapag ang ating mga anak ay nakakatanggap ng parangal lalo na sa paaralan. Lahat ng kanilang naabot maliit man o malaki ay nagsisilbing inspirasyon sa kanila upang patuloy na mag-aral at magsikap upang makamit nila ang kanilang mga mithiin sa buhay.

IMG_20220527_175943.jpg

IMG_20220528_182415.jpg

Sa larawan na ito masayang masaya ang anak ko na mayroon siyang nakuhang parangal. 😀
Hanggang dito nalang, sana nasiyahan kayo sa maikli kung talaarawan.

God Bless!
@caydenshan
ChYr1cJZCH5JkqXe3tdrNiB7sRxTnhdm6CFm8J2c3fftEJMdJtdywWnAJM5ZwWFByzSbnNZNUKNiPkS62U88Xq9BuRJdcZW9amscM3yCc3gKYLKou2WSAL5aP59JDRgrSUy6MHvCj1ShgqaGuTTD5iqATSNUmeGqgbkr2XPsTVkpvazFrbuZKXwSvRmCTx.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

image.png

Congratulations! Your quality content qualifies the Steem Global Curators guidelines.

Your post is upvoted using the @steemcurator06 account by @juichi. Continue making quality content for more support.

congratulations po sa inyung anak! God bless.. mukhang magandang school po eto

Salamat @junebride.
God bless!

Congratulations to your son @caydenshan. Ang ako a eldest wala jud tawn ka experience ug recognition like sa imo son but sadly last year wala na siya gi allow.

Ganoon ba? dito medyo ok na..allow na ang ganitong pagtitipon.