Hello po sa lahat, magandang buhay!
Ibinabahagi ko po sa inyo ngayon ang aking naging artikulo sa araw ng Septyembre 04, 2022. Kung saan ang aming simpleng selebrasyon sa kaarawan ng aking pamangkin na si Zhada Kian.
Siya ay ang anak na lalake ng kapatid ng asawa ko. Nagselebrar siya ngayon ng ika- siyam na taong kaarawan. At salamat sa Diyos at binigyan naman siya ng panibagong taon sa kanyang buhay.
Isa siya sa mga naging katuwang sa kanyang mga magulang sa mga gawaing bahay. Katulad ng paglilinis ng bahay at pati rin paglalaba.
Kaya laki ang aming tuwa at pasasalamat sa Diyos ng buong pamilya. Na pinagkaloob siya bilang isang mabuting pamangkin at higit sa lahat may takot sa Diyos.
Kaya maaga kaming gumising mag-asawa para sumabay mang manyanito sa aming pamangkin. Sabay awitan siya ng birthday song at tapos nagdarasal sa kanyang kaarawan at kalusugan.
https://youtube.com/shorts/sWm4G8CHvBI?feature=share
At para magsimula na agad kaming tumulong sa pagluluto para sa hahandain na mga pagkain para sa kanyang kaarawan.
Dahil gusto rin kasi ng kanyang mga magulang na magselebrar sa kanyang kaarawan kahit simple lang. Gusto rin kasi ng pamangkin ko na kumain ng pancit. Kaya dapat maaga kaming maghanda para sa mga pagkain na hahandain.
Mga simple lang na mga pagkain ang mga inihanda. Katulad na lang ng pangunahing inihanda tuwing may kaarawan ang pancit, sinugbang baboy, sinugbang isda, humba, lumpia, nilagang mais at iba pa. At nag order naman ang kanyang mga magulang ng iba pang ulam.
At syempre ang hindi mawawala na pagkain tuwing may kaarawan ang birthday cake. Pinagtulong-tulongan naming lahat na lutuin ang mga pagkain ito para madaling matapos.
Walang humpay na kasiyahan kapag nakikita namin na masaya siya. Kung saan kaligayahan sa mukha ng aming pamangkin sa kanyang kaarawan. Kahit medyo simple lang na selebrasyon.
https://youtube.com/shorts/Tr5PAeWN0zo?feature=share
Ito lang din kasi ang ma-aabot ng kanyang mama at papa para sa kanyang kaarawan. At sana'y maligaya ka rin kahit simple lang na selebrasyon sa iyong kaarawan. Importante ay mahal ka naming lahat at ng iyong buong pamilya.
Happy birthday aming pamangkin. Salamat sa Diyos at ipinagkaloob ka sa amin ng iyong buong pamilya. Sana'y bigyan ka ng malusog na pangangatawan araw-araw at mapagpalang araw sa iyong buong buhay.
Ipinagpasalamat namin itong lahat ng buo sa ating Maykapal. Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Chibas.arkanghil ❤
Daming pagkain! Happy birthday sa pamangkin niyo po.
Luzon Mod
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit