CLUB5050: IT'S S🌞MMERTIME | IT'S FAMILY BONDING TIME

in hive-169461 •  3 years ago 

KUMUSTA AT MABUHAY TAYONG LAHAT MGA STEEMIANS!

Hello po sa inyong lahat, Summer Getaway Contest? [hehehe] Hinding-hindi ko talaga ito palalampasin. Ako po kasi ay ang taong mahilig maligo sa dagat na hindi marunong lumangoy [hahaha] 😁. Mapa siyudad man o probinsiya hinding-hindi ko iyan palalampasin kapag summer na. Kaya ngayon ibabahagi ko sa inyo ang isa sa mga unforgettable summer getaway ko. It was last year, kaarawan iyon ng isa sa aking mga anak. Naisipan naming mag-asawa na iselebrar iyon sa dagat kasi wala kaming malaking budget. Na-iintindihan naman niya iyon. Kahit pa mayroon pang banta sa covid 19 nung time na 'yon ay hindi kami nagpapigil sa kagustuhang maligo sa dagat.

received_640124803825016.jpeg

KAINAN NA!

Pagkarating namin sa dagat ay biglaan silang nagugutom kaya naman ay pinakain ko muna sila bago maligo. Ang sarap ng kain sa dagat. Kahit pa dalawang kaldero ay kukulangin doon. Dahil nga wala kaming malaking budget, pansit lang ang dala naming ulam at isang litro ng softdrinks, tubig at sa amin ng asawa ko ay ang exotic food na sea urchin. Ang dali lang kumuha ng sea urchin kasi ang dami nito sa dagat na 'to. Kahit pa man yon lang ang aming baon at handa para sa kaarawan ng aking anak ay busog na busog naman kaming lahat. Masyado kasing nakakagutom lalo na pagkatapos mong maligo. Buti na lang nagtira pa ako ng kanin kasi pagkatapos nilang maligo ay kumain sila ulit.

received_301244018308305.jpeg

TIME TO TAKE A POSE!

Sa porsyon na ito, dito kami masyadong nasiyahan kasi nga isa-isa kaming nagpakuha ng larawan sa may dagat. Una ako yong kumuha sa aking mga anak. Natagalan kami sa aking bunsong anak na lalaki. Nahihiya siya at ayaw niyang sundin 'yong mga pose na gusto ng kanyang mga ate. Kaya naman sinabayan ko na lang siya. Pagkatapos niya sa post ay biglang nasabi niya na "ang dali lang pala mama", at sabay kaming nagtawanang lahat . Alam kasi namin na nong una ay ayaw niyang mag pose ngunit noong sinamahan ko ay biglang gusto na niya.

received_301539294955992.jpeg

received_560935514980433.jpeg

received_418547403016583.jpeg

received_624681778616568.jpeg

At dito na tayo sa time na hinding-hindi ko makakalimutan. Nang sinabi na ng mga bata na ikaw na mama, bigla akong kinabahan kasi turn ko na pala na mag pose. Ok naman 'yung unang mga post. Doon na sa huling pose ay maka-ilang ulit kami. Kasi naman noon kayang-kaya ko itong mga post na ito. Ngunit ngayon bakit parang ang bigat na. Dapat kasi tumalon ako tapos kukunan nila ako at nagresulta sa picture na nakalutang ako [hahaha]. Kaso sa tatlong ulit ko ay parating nasa lupa, at nakaapak ang paa ko pagdating sa picture. Kasi nga sa sobrang baba ng talon ko sanhi ng mabigat kong timbang, "Eh kakakain ko pa naman". Dumating pa sa point na tinuruan ako ng aking bunsong anak na lalaki kung paano ang pagtalon.

received_913810185920804.jpeg

May kuha na bumagsak ako sa baba at mayroon ding mga kamay ko lang ang nakalutang tapos yong paa sa lupa pa rin [hehehe]. Ngunit sa kaka-praktis namin ay sa wakas nakuha at nagawa ko na rin ng tama. Hindi ma-ipaliwanag ang saya sa mukha ng mga bata na kahit sa simpleng pagkain at simple naming ginagawa ng mag-asawa ay nagbigay ito ng tuwa sa kanilang mga mukha. At hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Hapon na kaming naka-uwi sa bahay, lahat ay sobrang pagod ngunit dala ang mga masayang ngiti.

received_1332108107224461.jpeg

At hanggang dito na lang po at ito ang aking entry sa steemit philippines major contest. At inimbitahan ko sina @jess88, @natz04, @kyrie1234 na mag sumite rin ng kanilang mga summer getaway.

Maraming Salamat po.

chibas.arkanghil

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Grabe ang saya naman ninyo.. Jumpshot talaga hindi mawawala..

Opo, nakasanayan na talaga naming magkasama ang buong pamilya kapag pumupunta kami sa dagat.

Shared it on my twitter.

Screenshot_20220409-235105_Twitter.jpg

nice getaway madam

Thank you maam🙂.

hindi natin talaga palalampasin na walang jump shots... nakikita ko na enjoy na enjoy kayo!

Hehehe maojud maam. Salamat maam.

welcome!

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

QualificationsRemarks
#steemexclusiveYES✅
At least #club5050YES✅
Plagiarism FreeYES✅
Bot-FreeYES✅
Verified Member/VisitorYES✅

Congratulations!


Luzon Moderator
kneelyrac

Hello po, thank you so much.