STEEMIT PHILIPPINES PHOTOGRAPHY CONTEST WEEK #5 - FILIPINO FOOD PHOTOGRAPHY: "UTAN BISAYA"

in hive-169461 •  3 years ago 

Isang ma-ulan na araw po sa inyong lahat dulot ng bagyong maring. Ako po ay nagagalak na makapasa ng aking entry habang hindi pa huli ang lahat.

Sa pagbabasa ko ng mga entry, matagal akong nakapagsumite dahil nagdalawang isip akong magpasa dahil sa ganda ng mga entry ng pagkain. Napakaraming mga pagkaing pinoy na pwedeng isumite ngunit ito ang mas nagustuhan ko at tumatak na pagkaing pinoy na malaking nai-ambag sa aking buhay.

20211009_131027_mfnr.jpg

Ito ay ang "Utan Bisaya". Ang utan bisaya ay isang pagkaing pinoy na sa tingin ko'y ang lahat ng pinoy ay nakakatikim at nakakakain na nito. Dahil ang pagkain na ito ay sobrang popular sa mga pinoy lalong-lalo na sa mga walang kayang pambili ng mga mamahaling pagkain. Hindi lamang dahil napaka affordable nito kundi dahil nagpapalusog din ito ng ating mga katawan. Ito ay simpleng pagkaing pinoy na punong-puno ng mga benepisyo at bitamina na maari nating makuha.

Likas na sa mga pinoy ang pagluluto ng "Utan Bisaya" sapagkat simula pa noong unang panahon magpa hanggang ngayon napabilang na ito sa mga paboritong pagkain ng mga pinoy. Bata man o matanda kumakain nito dahil ito na ang nakagisnang pagkain simula pagkabata. Naalala ko pa noong bumisita dito sa amin ang aking biyenan galing probinsiya. Pinaghandaan namin sila ng mga masasarap na pagkain gaya ng karne at iba pa. Alam niyo ba kung ano ang hinahanap nila ng biyenan kong lalaki at babae? "Walay utan bisaya diha.? Kahit saan man magpunta ang utan bisaya ay hahanap-hanapin talaga.

At ito ay napakadali lang lutuin. Ibabahagi ko po sa inyo ang aking paraan sa pagluluto ng utan bisaya.

MGA REKADOS:

20211009_121340.jpg

•MALUNGGAY LEAVES
•TALONG
•KALABASA
•OKRA
•BATONG
•GABI
•PATOLA
•ALUGBATI
•ASIN
•SEASONING

PAGHAHANDA:
•Hiwain ang mga rekados ng tama lang na paghiwa at kapag handa na ang lahat pwede ng simulan ang pagluluto.

20211009_134857.jpg

MGA PARAAN SA PAGLULUTO NG UTAN BISAYA:

▪︎Una, magpakulo ng mainit na tubig kasabay na nito ang dalawang pinakamatigas na rekados: ang kalabasa at ang gabi.

20211009_134702.jpg

▪︎Pangalawa, kapag medyo malambot na ito ilagay na ang batong,okra,talong at saka 'yong patola.

20211009_134752.jpg

▪︎Pangatlo,Isunod na yong malunggay leaves at alugbati.

20211009_134829.jpg

▪︎Timplahan ito at pakuluin ulit.

20211009_135327.jpg

At ngayon luto na ang aking "Utan Bisaya". Mas lalo pinasarap kapag ka partner nito ay ang ginamos. Simpleng-simple pero kaa-ibang busog ang dulot nito sa ating mga tiyan.

20211009_131539.jpg

Hanggang dito na lang po. Maraming salamat po.

Inimbitahan ko sina; @amayphin, @yen80, @lailyn.lariosa

Amping!😍

20% pursyento para kay @steemitphcurator

8DAuGnTQCLpunQuGfHnXTmxWbRQScCVGspXNWFwLjD7irHEs2K7Fj5j4Un1fsBZUnyafUDn6uHKUWLieAYEwsct3MseFsjgZoPc5DgWDCs6MebzMGkVmLVt7K7qktgkvzebQJD8KgosGXDFZbnEWnhdZP75FXdt2WcBHvsYWjRP.gif

D5zH9SyxCKd9GJ4T6rkBdeqZw1coQAaQyCUzUF4FozBvW8dAXsVcjyhwY1SGpeDmR7CXZwk1QtL4uJjYPrxe925gsMe6NjQxSQY3RDiRYB3t6FzwjcUxPU6woCW21JrXR12LGm.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Kalami ana dae

🤩 oh dai, maoy sud an sa paniudto. Na short gud sa kan on.

Makashort jud na sa kan.on dae kay lami kaayo na ibahog..

😄😄

Yan Ang gusto kong ulan di nakakasawa. Presko ug healthy.

😀 maojud friend.

Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Food Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words
set @steemitphcurator 20% benefactor
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.5
2. Creativity9.5
3. Technique9.5
4. Overall impact9.5
5. Quality of story9.5
Total Ratings/Score9.5

Very healthy

Thank you sa ratings.

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.8
2. Creativity.9.6
3. Technique.9.6
4. Overall impact.9.6
5. Story quality.9.6
Total9.64

Ito talaga pagkaing noypi!

😁 thank you sa ratings sir juichi.