Kamusta kayo aking mga kaibigan sa steemit at community, isang maulap na umaga sa albaha Saudi Arabia dahil makapal na naman ang pogs at malamig ang panahon.
Andito na muli ako para ibahagi sa inyo ang aking mga gawang disinyo na siyang order ng mga customers ko at suki. Dahil Ramadan ay hindi gaano marami ang namili pero buti nalang at may mga suki parin ang bumabalik sa ahop para dito mag order ng flower designs sa akin at maraming salamat sa kanila.
Pagdating ko sa shop wala pang customer kaya bumili na muna ako snacks sa store at pagbalik ko tamang uras lang din at dumating ang aking suki nag order ng 50rials flower bouquet kaya iniwanan ko nalang aking pagkain para gawin ang diainyo sayang at bwenamano din ito sa umaga, sa wakas at may kita na ako..naguatuhan naman niya ang aking gawa at nagpasalamat na siya sa akin.
Umalis na si madam at kumain na ako ng aking snacks, lumipas ang ilang uras at maydumating din na customer bago siya at nagpagawa ng disinyo bilang surprise gift, at gusto niya ilagay sa box ang alahas na dala niya kaya binigyan ko siya ng idea na bilhin ang aking box para doon ko ilagay ang kanyang regalo. hinayaan lang niya ako gawin ang ka yang regalo at ipinakita ko sa kanya ang kanyang gift, sabi mashala mashala meaning nagustuhan niya ang aking ginawa at mua lang din siya, binigyan lang nila ako ng 120rials malaki narin sa umaga.
Sumunod naman itong madam na nagpagawa ng bouquet buti nalang at hindi siya umalis ng shop naghintay siya na gawin ko ang kanyang flower designs. Pinapili kulang siya ng flowers na gagamitin at magkano ang kaya niyang disinyo ayun at nagiat7han naman niya ito ng matapos at binayaran niya ako ng 80 rials...
Magkasama lang sila nitong madam na ito akala ko naman mataray buti nalang natawa sila sa aking joke, at nasingil ko rin sila sa tamang presyu, nako naman at nagustuhan nila ang aking ginawa. Sabi dito muli sila ay magpapagawa ng bouquets at iba pang orders...
Ito ay money tray at nagpagawa siya ng disinyong ito dahil gusto niya lagyan ng flowers at pera sabi ko naman ako na bahala at may idea na ako kong ano ang gagawin ko sa tray.
Umalis na muna sila at magshopping pa sa mall at natapos nga ako sa aking disinyo masayang natapos at nagandahan naman ako sa aking ginawa. Hinihintay kuna muna sila para matapos ang kanilang pamimili at dumating nanga sila namangha dila sa kanilang nakita at binayaran pa ako ng subra, kaya maraming salamat sa dyoa kumita ako ng malaki.
Ang disinyong ito ay ready made na siya kaya nong makita ng cuatomer binayaran nalang niya ako kaagad at umalis na siya ng shop, kong magkano ang binayad sa akin ito ay 85rials. Umalis na sila at nagpasalamat sa akin at nagpasalamat din ako sa kanial.
Isa din ito sa aking mga ready made designs at mga kabataan amg pumasok sa aking shop at nagustuhan nila ang aking ginawa at binili na nila ito kaagad sabi nila ito na bibilhin namin dahil aalis na kami kaagad at nagustuhan nga nila ito, nagpasalamat na sila at nagpasalamat din ako.
Dahil uras na kailangan kunang umalis ng shop para magpahinga para mamaya na duty naman at biglang may pumarada na sasakyan at nakita kong dito sa shop siya papasok kaya ipinagpaliban kuna muna ang pagsasara at nakita kong papasok na siya sa shop kaya nakita niya ang natira sa aking bouquet design at binili na niya kaagad ito at nagustuhan nga niya ang aking ginawa, masaya ako at naubos ang aking ready made flowers at umalis na sila madam at nag ayad na sila. Umalis na din ako sa shop para mananghalian .
Isa lang masasabi ko at ipinagpapasalamat naubis ang aking ready made flowers at kumita ako kahit na matumal ang kitaan ngayun dahil ramadan.
Maraming salamat sa i yong lahat lalo na sa ating puong maykapal...sana ay hindi kayo magsawa na aking pagbabahagi. May God bless us all.....
TEAM 5 CURATORS
This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags. Curated by: @chant
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit