Steemit Philippines Photography Contest Week #4 - Black and white Photography/ Ang merienda packed

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang buhay po mga ka @steemitphilippines Family. Kamusta po ang mga nag daang araw niyo po? Ako naman po ay nasa mabuting kalagayan. Naway lahat po kayo ay nasa mabuting kalagayan rin po.

Simula na naman po ng panibagong araw. Araw ng pasasalamat at araw ng pag hingi ng patawad sa panginoon.

Nais ko pong ibahagi ang mga ginawa namin ngayong araw na ito.

Umaga pa lang po ay maagang umalis si habibi upang mamalengke ng mga kailangan niya para sa aming munting negosyo na tinatawag naming "Pritto".

Ang Pritto ay nagsimula nitong april 2021 lang at apat silang magkakapartner sa negosyong ito. Ito ay malapit lang sa aming tahanan kaya madali lang kaming makapunta dun.

Ngunit ngayong araw na ito ay may paorder sila habibi na 80pax merienda packed na kailangang maluto bago mag alas singko ng hapon.

IMG_20210916_203756.jpg

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang staff nila habibi ay hindi nakapasok sa kadahilanang hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Kaya nagdecide si habibi na ituloy pa rin ang order sa kanila at siya na lang ang magluluto.

Kinausap ko siya at sinabi kong maaari ko siyang tulungan sa abot ng aking makakaya dahil sa totoo lang wala akong masyadong alam sa kusina. Hindi ako marunong maghiwa ng tama. Ngunit sa mga panahong ganto na kailangan ng aking habibi ang aking tulong, agad naman ako nagvolunteer dahil hindi rin biro ang magluto na mag isa. Biruin mo ikaw na ang namalengke ikaw pa ang magluluto kaya kahit ang pwede ko lang maitulong ay ang paghihiwa at pag packed ng merienda ay talagang nag go na ako kesa naman po mahirapan lalo si habibi at mapagod ng sobra.

Habang naghihiwa ako ng bawang, napapaisip ako. Iniisip ko na sana dati pa lang ay nag aral na ako magluto para mas marami pa akong matulong kay habibi. Pero siguro nga may kanya kanya tayong forte na tinatawag. Si habibi sa luto ako naman ay sa gantsilyo. Parehas naming nagagamit ang mga talent namin kaya nakakatuwa lang na nagagamit namin ito upang kami ay kumita.

Isa pa sa nagustuhan ko na nangyari sa araw na ito ay yung bonding moment namin ni habibi. Kasi madalas talaga siya ang nasa shop at ako naman ay andito lamang sa bahay binabantayan at inaasikaso ang mga bata. Kaya isang magandang pagkakataon na makasama ko sa kusina si habibi dahil isa ito sa mga tinitreasure ko na madadala ko hanggang pag tanda namin. Dahil isa rin ito sa mga katangian bilang isang asawa ang mapagsilbihan at matulungan mo ang iyong asawa sa hirap at ginhawa.

Kaya ng matapos na ni habibi magluto agad na namin etong nilagay sa lalagyanan upang maihatid na ito sa mga nag order.

Ang sarap lang po sa pakiramdam na napagtagumpayan naming dalawa ang order sa kanila. Pagod pero masaya dahil kasama ko ang katuwang ko sa buhay.

Hanggang dito na lang po ang aking munting kwento.

Inaanyayahan ko po sina @jewel89 @austhalia mommy @jurich60

Nagmamahal,
@chy07

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.2
2. Creativity9
3. Technique8.8
4. Overall impact9.2
5. Quality of story9
Total Ratings/Score9

Maraming salamat po admin.. stay safe po and God bless.

Sakamat sa pag anyaya. Oo nga need mo din e love ang pagluto para hayan magkasama kayo ni Habibj mo sa negosyo.

Yes po mi tama.. masyado ko po kasi love ang crochet kaya dun na po natuon ang pusot isipan ko hehe

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

Maraming salamat po sa pagbisita admin. Pag bubutihan ko pa po sa susunod. Stay safe po and God bless.

Totoo. Magandang magbaon ng magagandang alaala na mababalikan natin pag tanda natin. Yung pag puti na mga buhok nyo tapos hawak hawak nyo pa rin ang kamat ng isat isa habang binabalikan ang mga alaalang nagdaan. Ang sweet.

Tama po sis. Dapat ienjoy ang buhay kasama ang mahal sa buhay dahil hindi natin alam ang takbo ng buhay kaya ipadama ang suporta at lalong lalo na ang pagmamahal sa kanila.

sarap naman ng merienda mo Ma'am @chy07😊, salamat sa pagbahagi ng iyong entry, Godbless you.

Maraming salamat po sa pag bisita 🤗 masarap po talaga ang lutong pinoy. Ingat po and God bless.

magandang negosyo ang pagkain sis. un nga lang nakakapagod talaga kapag ikaw lahat gumagawa. from palengke to kusina.

maraming salamat sa pagbahagi.

Opo sis nakakapagod po talaga pero pasalamat din po kay papa God dahil hindi nya po kami pinapabayaan lalo na ngayong pandemic mahina po talaga mga negosyo..salamat po sa pag bisita sa aking kwento.

May color pa po yung carrots madam hehehe. ^_^
Total rating: 8.8

CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8.5
Creativity.8.5
Technique.8.5
Overall impact.8.5
Story.8.5
Total score.8.5