Hello po sa ating @steemitphilippines family. Kamusta po kayong lahat? Naway maayos naman po ang inyong kalagayan.
Nais ko po ulit magbahagi ng aking munting diary sa araw na ito.
Simulan ko po sa pag luluto ng paborito ng aking mga anak. Ang hotdog, mahilig po kasi sila sa hotdog at itlog ngunit dahil wala pong available na itlog kaya hotdog na lang po muna ang inihain ko para sa kanila kasama ng gatas para kay kuya at tubig para naman po kay bunso. Simula po kasi nung nag dalawang taon si bunso hindi na po siya umiinom ng gatas dahil hindi niya na po gusto ang lasa nito kaya ang kinalakihan niya na po ay tubig. Pag gising sa umaga tubig na po ang hinahanap niya.
Pagkatapos naman po ng almusal, kami po ay nagdecide na mag ayos na aming kama at kwarto.
Sinimulan po namin sa pag tatanggal ng mga punda ng kama at unan. At pagpapalit naman po ulit ng punda ng kama at unan.
Makikita niyo po na nag eenjoy po kami ng mga bata dahil para po sa kanila ay laro lang po ang ginagawa namin pero hindi po nila alam na natutulungan na po nila ako sa ibang mga gawain dito sa bahay. At dahil po dyan, sobrang proud po ako sa kanila dahil gusto ko po talaga na habang bata pa sila ay matuto na sila ng mga simpleng gawain sa bahay. Para kapag lumaki at naging binata na sila ay madala nila ang ganitong mga gawain.
Makikita niyo rin po sa larawan na nakaabang sa baba ang aking bunso. Naghihintay kung ano po ang sunod na ipapasuyo ko sa kanya.
At dahil napagod na ang aking mga anak kaya ayan po sila nakaupo na sa sofabed sa ilalim ng aming munting loftbed.
Dyan po sa pwesto na yan ay ang aming tambayan. Dyan po kami minsan nagkukulitan ng mga bata at kapag nakarating na po ang aming haligi ng tahanan diyan rin po kami nakapwesto para magcuddle time at makapag movie marathon sa gabi.
At dahil nakapahinga na po ang aking mga anak, oras na po para sila ay maligo. Makikita niyo po sa larawan na hinahayaan ko na po sila magbrush ng kanilang sariling ngipin. Ngunit syempre uulitin ko na naman po kay bunso kasi sa nakikita ko po parang naglalaro lang po kasi siya hehe.
Sunod naman po ay papaliguan ko na po si bunso at pupunasan ng tuwalya at hahayaan ko na po siyang mamili ng kanyang damit at magbihis mag isa.
Habang binabantayan ko po ang mga ginagawa ni bunso, si kuya naman ay hinahayaan kong maligo mag isa dahil ang sinabi ko po sa kanya malaki na siya kaya dapat matuto na siyang paliguan ang kanyang sarili dahil parte ito ng kanyang paglaki.
Katulad ni bunso, si kuya na rin ang namimili ng kanyang damit at nagbibihis ng sarili niya. Siguro po ito po ang pamamaraan ko para matuto po silang dalawa.
Kapag okay na po ang lahat sabay sabay po naming inaabangan ang isang palabas sa eat bulaga. Ang tawag po ay "isang tawag ka lang". Nakakatuwa na nakakakaba po itong palaro nila dahil pabilisan po ito ng pagdial sa telepono at kung sino ang makakatawag sa kanila sa studio ay sasabihin ang password na "legit dabarkads ako". Palagi po akong nasali pero palagi rin po akong hindi nakakatawag dahil mabibilis po magsi dial ng number ang ibang mga sumasali kaya aabangan ko na naman po ulit bukas para makasali po ulit ako.
After naman po mananghalian, sisimulan ko na naman po ang order sa akin ng isang kaibigan at isa pong customer na nirefer lang po sa akin.
Yan po ang crochet lanyard po ulit na uso sa panahon po ngayon.
At ito naman po ay gagawin ko pong crochet frame ref magnet para sa isang customer na nagrequest para ipang souvenir sa kaarawan ng kanyang anak.
Ganito po ang magiging kalalabasan niya kapag natapos ko na po ang crochet frame ref magnet. Picture ni celebrant na may background ng kanyang theme tapos sa likod po nakalagay ang magnet para maidikit sa ref po ng mga pagbibigyan nila.
Yan po ang aking pinagkakaabalahan habang andito po ako sa bahay kasama ng mga bata.
Habang nag gagawa po ng order, isang magandang balita ang nareceived ko po galing sa pinsan ni husband. Siya po ay nagpadala ng pera sa aking gcash number dahil kaarawan daw po ng kanyang anak na kambal. Mamili daw po kami ng pagkain para sa mga bata at para po sa amin dito sa bahay.
Nakakatuwa po dahil kahit nasa manila po sila at kami naman po ay dito sa olongapo ay naibahagi pa rin po nila ang kanilang selebrasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera sa akin at mamili ng gusto namin. High tech na po talaga ngayon, dati po dumadayo pa para makicelebrate sa birthday party ngayon po papadalahan na lang ng pera at bibili ng gusto niyong pagkain hehe.sobrang nakakatuwa lang po talaga dahil kahit malayo sila nagawan pa rin po ng paraan upang mashare ang biyaya po nila sa amin.
Ito po pala yung nabili namin para sa kids at sa amin din po. Ang paborito ng mga bata french fries at chicken. Tapos po may classmate po kami ni husband na nag bukas ng kanilang negosyo kaya bilang suporta po sa kanila ay namili rin po kami ng pagkain sa kanila. Ang nabili po namin ay macarons, creampuff, chocolate chips, caramel cake at baby back ribs with vegetables and mashed potato. Yan po lahat ang nabili namin sa kanila.
Napakasarap po ng kanilang pagkain lalo na po ang baby back ribs talagang hindi po tinipid ang lasa.
Andyan pa po ang iba nilang tinda pero sa susunod na po siguro ulit kami mamimili.
At habang nasa byahe na po kami pabalik sa aming tahanan, bigla ko pong naisipan na magpaihaw ng "tumbong" o isaw ng baboy. Paborito po kasi namin ito ni husband kaya hindi na po kami nagdalawang isip at pumunta na po kami sa ihawan malapit na rin po sa aming lugar.
At pag karating po namin sa bahay ay rinig na rinig ko na po agad ang sigaw at tili ng aking bunso senyales na excited na po siya sa aming pag dating.
At dahil birthday po ng pamangkin ni husband ay naghandog po ang aking mga anak ng birthday song para sa kanila.
At kami po ay sabay sabay ng kumain para matikman na po ang mga napamili namin.
Hanggang dito na lang po ang aking munting diary. Naway napasaya ko po kayo sa aking munting kwento.
Nais ko po anyayahan sina @jewel89 ma'am @me2selah at ate @aideleijoie
Nagmamahal,
@chy07
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you and God bless po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Bilib ako sa pag turo mo sa mga chikiting mo Chy. Mas bilib ako sa pa birthday sa inyo padaan na sa Gcash at para na rin nasa birthday kayo nong pinsan ni hubby mo, galing.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po mi. Yan lang po kasi ang way ko po para matuto po sila hehe. Opo nga mi nakakatuwa nga po gcash na lang po ang gamit tapos instant nakikiparty na rin po kami hehe. Iba na po talaga ang panahon ngayon. Pero mas okay po para safe na rin po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sorry to inform you na hindi ma qualify ang entry mo sa Diary Game contest natin dahil hindi mo na set to 10% beneficiary ang @steemitphcurator.
Paki basa po dito.
https://steemit.com/hive-169461/@steemitphcurator/the-diary-game-steemit-philippines-community-contest-week-18-or-new-rules-added-set-steemitphcurator-as-10-beneficiary-8-23-2021
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Pasensya na po at nakaligtaan ko po maglagay sa advance settings. Dibale po next time po ilalagay ko na po agad. Salamat po sa paalala.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Cge po, salamat.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Natutuwa talaga ako sa mga boys mo masunurin. Si bunso kamukha mo pala mommy Chy si eldest naman kamukha ni hubby mo. Sa mga photos na shinishare mo while they were taking a bath, brushing their teeth and then wearing their own clothes brings back memories of when my son was their age as well. Talagang lalaki silang mabubuting mga bata. Tama ang loft bed design para maka save ng space for other purposes like sa ginawa ninyo parang pinaka hang out area na ninyo.
Daming foods ha. Saan nyo binili yang baby back ribs mukhang ang sarap. Gusto ko din matikman yan. Grateful na nga tayo sa technology ngayon pinapadala nalang para may panghanda lalo pa nga ngayon na may pandemic very helpful ang mga padalahan nalang like Gcash.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po ate.. yung baby back ribs po sa may graham po yan EATwithisabella po ang name. I hope matry niyo rin po ang food nila.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang Happy naman ng Productive Day nyu Momsh @chy07
Enjoy ang kids mopo the whole day.. ang saya ng bday celebration ng pinsan ni hubby mo momsh kasi nag share cla ng blessings nla kahit nasa malayo kayo ☺️
Goodnight sainyu mag iina 😘
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Kaya nga mamsh eh katuwa di ba? Kisses to kidooss. Good night..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang kokyot naman po ng mga anak niyo at napakamasunurin bata. Tapos ang sarap ng mga pagkain!
Salamat po sa pagbahagi ng araw niyo! :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po sa pagbisita sa aking munting diary..
Opo nakakatuwa at masunurin sila kahit makukulit paminsan. Stay safe po..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Pahinging pagkain Maam. Hehe nagutom ako sa mga food pictures.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hehe.. nagkataon lang po at may nagbahagi ng celebration ma'am hehe..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit