Mahalagang Tradisyon(Araw ng mga Santo at Patay)

in hive-169461 •  3 years ago 

Maganadang gabi sa ating lahat! Kumusta po kayo?

Medyo na huli na ata ang ibabahagi ko na blog ngayun pasensya na po na masyado lang busy lang nung nakaraang araw. Ibabahagi ko lang tradisyon ng aming lugar sa tuwing Araw ng mga Santos at araw ng mga patay.

Dito sa probinsya marami talagang mga hinahandang kakanin at ito ay iniaalay sa aming mga altar bilang pag alala ng aming mga mahal sa buhay na pumanaw na.
Hindi mawawala ang bibingka, suman at lalong-lalo na ang sikat na delicacy sa aming lugar ang torta. Mayroon din ang mga prutas.
Ito ay kadalasang hinahanda o inialay sa unang petsa ng Nobyembre hating gabi sa pagsalubong nga Araw ng mga patay at saka ito kakainin pagkalipas ng ikalawa ng Nobyembre dahil sa paniniwala natin na ang mga kaluluwa ng ating mga mahal sa buhay ay bumabalik na sa langit.

inbound4947434307780493987.jpg
Alay namin sa aming munting altar kasabay ng aming mga panalangin

inbound5998480163439601186.jpg
torta

Ito ang isa sa pinakamahalagang tradisyon nating mga Pilipino dahil dito tayo nagkakaroon ng pagkakataon na magkakasama.
Bukod sa mga matatamis na handa mayroon ding mga masasarap na mga pagkaing Pinoy na nakahanda dahil likas na sa ating mga Pilipino ang paghahanda ng mga masasarap na pagkain o mga lutong bahay.
Ilan lamang sa aming handa ay ang embutido, kalderitang kambing, lechon manok, adobo at iba pa.

Ito ang isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ang ayaw kong mawala.
Maraming salamat po sa pagbabasa.

-doremi91-

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Greetings to you @doremi91,
I am inviting you to join and commit to #club5050 program, also dont forget to use the tag #club5050-philippines whenever you post here at Steemit Philippines community. For more information please refer to this link.

https://steemit.com/hive-169461/@juichi/club5050-latest-update-and-new-guidelines-on-how-to-have-a-curators-support