God's surprising gift🥰

in hive-169461 •  last year  (edited)

Mapag palang araw po sa inyong lahat.
matagal tagal na po ako hindi naka pag post
dito dahil po sa ka busy bilang ina.
Sa araw na ito nais ko lang e share ang pinaka magandang regalo na bigay ng Diyos sa amin☺️ (.
May isang anak po ako na late grower at age of running 3 hindi pa siya masyado marunong magsalita. Minsan tawagin na siyang pipi dito sa amin kasi maliit pa lang mabigkas niya sa panahong iyon. Tulad ng Mama at Papa.
Kaya talagang kailangan pa niya ng malaking atensyon. Kasi yung pag.iisip niya ay parang pang 1 year old. Sabi ng kakilala ko ay may signs siya sa AUTISM.. at hindi lang iyon, ilang besis pa siya dinala namin sa hospital. Dahil sa pulmonya at iba pa.
Screenshot_20230607-131713_1.jpg

December 2021 saktong 3 years old siya. Ay nabuntis ako sa pangatlo naming anak. Sa mga oras na ito, halong saya at pangamba ang aking nararamdaman. Kasi ako lang ang dito sa bahay nasa malayo ang asawa ko nagtatrabaho.
Sa mga panahon na ito, wala akong ibang hinihiling sa Diyos kundi, bigyan niya ako ng anak kahit ano babae man o lalaki basta healthy lang at di katulad sa pangalawa kung anak. Paano ko sila alagaan. Kasi itong pangawa kung anak, eh babae talaga ang hiniling ko sa panginoon at nong nalaman ko na lalaki parin,, ay nadismaya ako kasi gosto ko sana babae na. Siguro, lessons ko iyon ang lahat mga nangyayari sa kanya. Na dapat tanggapin kung ano man ang ibigay ng Diyos. At sa pagkakataong ito sa pangatlo kung pagbubuntis ay, wala akong ibang hiling. Kasi paano ko sila aalagaan kung ganon parinBut, God is a God of Surprises 😍. Binigyan niya ako ng isang babae.

C360_20230219-203825-20.jpg

LESSONS; Tanggapin kung ano ang ibigay ng Diyos.
God has a purpose of everything.
wait in God's perfect Time.

Yun, lang muna☺️ at sana nagostuhan niyo at makapagbigay aral.
#club5050

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!