#BURNSTEEM25 || THE DIARY GAME 10-06-2022 || "PAGTITINDA"

in hive-169461 •  2 years ago  (edited)

Magandang hapon mga ka Steemians? Kamusta kayong lahat dito? Isang mapagpalang araw po sa'ting lahat.

Sa araw po na ito ibabahagi ko sainyo ang aking unang araw sa pagtulong ng aking ina sa kanyang pagtitinda sapagka't wala naman akong naging lakad ngayon.

Maaga kami ng aking ina sa pagpunta sa Paaralan ng Cabalantian National High School canteen dahil mayroon po s'yang pwesto doon. Hindi ka po mabibigyan ng pwesto kapag wala kang business permit kaya bago paman nakakuha ng pwesto ang mama ko, ay nagpa medical muna s'ya at okay naman ang result salamat sa Panginoon kung kaya ay nabiyayaan s'ya ng maliit na pwesto lamang. Lahat ng may pwesto o naka pwesto roon ay pari-pareho lang naman ang sukat o kinalakihan nang kani-kanilang pwestong natanggap.

Sa loob po ng canteen ay may protocol po o rules and regulations na dapat sundin ng mga food kart vendor. Bawal po ang pagtinda ng mga junkfoods at softdrinks sa loob dahil ito po ay hindi nakabubuti sa kalusugan ng mga mag-aaral. Kinakailangan lang po na ang ipinagbibenta ay s'yang mga pagkaing masustansya o mga nakakabusog na mga healthy foods.

Pinagbabawal din sa loob ang paggamit ng cellophane o disposable cups upang makaiwas sa mga plastic na tinatapon kong saan-saan, upang mapanatiling malinis ang kapaligiran at di nakakasira ng kalikasan, kaya naman ang mga ginamit namin ay bulseta at dahon ng saging na s'yang nagsisilbing substitute ng cellophane. Lahat na rin na mga studyante ay hinihikayat na magdala ng sarili nilang starbucks upang hindi na gagamit ang mga nagtitinda ng disposable cups.

Labis naman akong nasiyahan sa kanilang rules kahit na medjo strikto, at least nagdudulot naman ng mabuting epekto at kalinisan sa buong campus.

Ito nga pala ang mga paninda na niluto ng aking ina:

      — Siopao 
      — Toron
      — Kutsenta
      — Shakoy
      — Botsie
      — Hotcake
      — Gulaman

Sa canteen kasi niluluto ni mama ang Hotcake upang ma serve sa mga kabataan at gurong mamimili na mainit pa, kaya ako ang nagsilbing cashier ni mama kanina at taga pagtinda narin habang s'ya ay abala sa pagluluto ng Hotcake.

Pagka abot ng Eleven AM ay umuwi na kami dahil ubos na ang paninda namin. Salamat sa Panginoon sa kanyang favor.

25% beneficiary goes to @null

Glory and honor, belongs to God alone.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Evaluation date: Oct. 06, 2022
StatusRemark
Verified user
At least #club5050
Plagiarism free
#steemexclusive
Bot free
At least 300 words
Supports #burnsteem25

Thank you for creating quality content here at Steemit Philippines Community.

Congratulations!

This post has been recommended for booming support today.
Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.

Maraming salamat po.🙂

@fabio2614
Visayas Mod

Parang ang sarap ng mga pagkain, my favorite is kutsinta ang botsie

sasarap naman po ng foods, fave ko ung kutsinta hehe