Bago po tayo makapagpahinga sa gabing ito, binabati ko po ang lahat ng isang maligaya, at mapagpalang gabi po sa lahat ng Steemians dito.
Nais ko pong magbahagi sainyo ngayon patungkol sa pagtatanim ng halaman.
Bata pa lang ako ay mahilig na talaga ako sa mga halamang bulaklak, ngunit kapag ako na ay nagtatanim, ni isa wala talagang nabuhay. Palagi kong ginagawa yo'n maging sa ngayon.
Noong kapanahunang kakaputok lang ng pandemia sa buong mundo ay syA ring pag-usbong ng maraming halamang bulaklak na itinanim dahil sa hindi naman tayo makakalabas ng bahay. Halos lahat ng tao sa mundo ay walang magawa kaya tanim ng tanim ng mga halamang gulay at bulaklak, pero mas pumatok talaga sa bentahan ang bulaklak sa araw na iyon. Hindi rin naman ako nagpapahuli, isa rin ako sa nga iyon na kabilang sa mga nagtatanim. Doon ko lang talaga naranasang mabuhayan ng mga sarili kong itinanim, bagama't hindi lahat ay nabuhay subalit masaya naman ako na kahit papaano ay nakapagtanim ako. Nagkakapera rin ako dahil sa marami ang pumupunta sa parsonage at mamili sa aking pananim. Pagka lipat ko dito sa Misamis Oriental ay bilang lang ang mga halaman ba dala ko, at hindi na rin sa pagtatanim ng halaman ang naging focus ko.
Kanina ay nabighani ako sa mga rosas at nagkaroon ng ganang magtanim ng mga ito, kung kaya ay ginawa ko na habang wala akong ibang pinagkakaabalahan. Hindi ako segurado kong mabuhayan ako ng mga ito ngunit gusto ko pa ring subukan.
Una kong ginawa ay nagputol ng stem na bahagi nito ng pa slanting gamit at gunting, at kinuha ang mga dahon nito.
Matapos kong nakapag-putol nito ay kumuha ako ng tissue paper, ngunit naubosan ako kaya ang lumang kalendaryo nalang ang ginamit kong gupitin at ginamit itong pambalot sa babang dulo ng stick.
Matapos naibalot lahat, kumuha ako ng tubig, inilagay ko sa plastic na lalagyan at doon ko binasa ang papel na ginamit kong pambalot sa stick at pinisil ko upang dumikit ang basang papel sa stick nito.
Nang matapos kong basain lahat, kumuha na ako ng paso at nilagyan ko ng kunting lupa, tsaka nilagay ang mga natapos ng binalot sa papel na mga sticks ng rosas.
Tapos nilagyan ko ng matabang lupa o organic soil upang kakapit ito sa lupa, tapos nilagyan o diniligan ko ng tubig, tsaka nilagay sa bandang area na hindi masyadong malamig o mainit, yung medjo katamtaman lang.
Natapos ko agad at maghintay ng ilang araw kong tagumpay ba ang ginawa kong paraan sa pagtanim o hindi. Maghintay lamang ako sa resulta ilang araw.
Ganito lang ang paraan sa pagtatanim ng rosas ang ginawa ko.
Salamat at magandang gabi Steemit Philippines.
GOD BLESS US ALL!
25% payout from this post goes upon to @null
@tipu curate
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Upvoted 👌 (Mana: 0/7) Get profit votes with @tipU :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Date Evaluated: Feb, 1, 2023
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
It's great to see you trying your hand at gardening again, especially with the trend of planting during the pandemic. Good luck with your rose planting, keep us updated on the results.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hopefully tutubo sila lahat Sis.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ngayon lang ako nakakita ganyang paraan sa pag tatanim sis hihi.
Ang alam ko itusok lang sa lupa diritso eh hihihi.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ginaya ko lang sa mga sabi2x NILA Sis 😆 di ko alam Kong mabuhayan to.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ah hihihi. Waiting ako sa post mo soon sis about dyan kung tumubo at nabuhay ba hihihi.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit