Ang Philippine General Counsil of the Assembly of God ay may iba't-ibang departamento, isa na rito ang Youth Alive Philippines na pinangungulohan ng aming National Youth Director na si Rev. Herman Dionson.
Bawat taon ang Youth Alive Philippines ay mayroong binubuong Tema para sa isang taon na kaganapang magaganap sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas. Ito ay sinasagawa sa layuning ang mga kabataang may pananampalataya sa Panginoon ay mas lalong mapatindi ang di lamang sa pakikipag fellowship ng ibang mga mananampalaya, kundi ay pati narin sa Spirituwal na pamumuhay ng mga ito na hindi mapariwara sa kagustuhan at kalooban ng Panginoon.
Sa kanilang pagpupunong at pagbibigay ng idea bawat isa, nabuo ang Temang YABLAZE na makikita sa aklat ng Biblia sa Songs of Solomon 8:6.
Ang Yablaze ay nahati sa tatlong rehiyon na pagtitipon— Luzon, Visayas, at Mindanao. Ginawa itong Regional sapagka't ang susunod na pagsasagawa nito ay National na. Dito sa Mindanao naganap ang Yablaze Regional sa Syudad ng Cagayan de Oro at mula sa church namin, apat kami na nakadalo, sina Pastor Romel Jaudian, Jicel Branzuela, Danden Yapac at ako, kasama narin si Pastor Quilven Laguilay at Sis. Annelyn Lasola saamin.
)
Tatlong araw iyon kaya sa loob ng tatlong araw, mayroon kaming apat na Lecturers na sina Ptra. Jireh Maniego, Ms. Faith Barbac, Rev. William Balmores, Ptr. Jay Candole at apat din na Speaker na sina Rev. Herman Dionson, Rev. Sixto Abalos Jr., Rev. Oscar Tulang Jr., at Rev. Liezl Cocamas.
Sa unang araw pa lang ay subrang nakaka blessed at nakaka excite na, kaya naman nauna akong bumyahi papunta sa event na iyon para sa paghanda ng accomodation namin ng aking mga kasama.
Hanggang sa huling araw na iyon, ang kasiyahan ay amin pa ring dala-dala hanggang kami ay naka uwi na.
Napaka gandang layunin na kahit sa isang taon, ang bawat kabataan ng ating church ay makakadalo sa mga event na katulad sa ganoon, upang ma develop pa nila paano makikipag halubilo sa ibang mga youth mula sa ibat ibang lugar. Di lamang iyan kundi'y pati narin matuto sa mga dagdag kaalamang tinuturo ng mga Lecturers at Speakers patungkol sa pamumuhay na alin-sunod sa kalooban ng Panginoon.
Mabuhay at Magandang Araw Steemit Philippines!
25% payout from this post goes to @null