The Diary Game Season 3 |Dec. 28, 2021| Life After Super Typhoon Odette

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

20% payout goes to @steemitphcurator

Magandang araw po sa lahat. Halos dalawang linggo na ang nakaraan pagkatapos ng bagyo, pahirapan pong mabuhay sa amin ngayon, walang tubig, walang kuryente, halos di ko na ma afford ang pagkain. Grabe ang mahal ng mga bilihin. Hindi ko lang alam o kayay ako lang ang hindi updated...wala talagang dumating na tulong sa aming lugar. Bawat pamilya pinipilit na bumangon ng sarilinan. Ngunit nagpapasalamat po ako dahil buhay at ligtas kaming tatlo ng mga anak ko.

Hanggang ngayon hirap pa rin akong makatulog. Bumabalik sa akin yong takot kapag nakakarinig ako ng ingay ng yero sa gabi. Naalala ko pa nong gabi before mag landfall ang bagyong Odette. Sabay po kaming nag dasal ng mga anak ko. Sinasabihan ko silang hindi ma tulog kasi parang iba talaga ang pakiramdam ko. Ayon na nga ilang oras lang at palakas ng palakas yong hangin. Rinig ko talaga yong yerong nagliliparan na para bang walang tigil na paputok sa pasko. Yong bahay nimin biglang may natumba sa bobongan. Tsaka bumagsak yong ceiling namin. Hindi ko tuloy alam kung sabay ba akong iiyak ng mga anak ko or basta. Dasal lang talaga ako ng dasal. Ang daming nagbabagsakan sa paligid. Ewan, yong nararamdaman ko hindi ko na ma express. Tatlo lang po kami sa bahay, ang daming naglalaro sa aking isipan sa mga oras na iyon. Isa lang po ang segurado ako, ang umasang sana dumating ang umagang buhay pa kami ng mga anak ko.

Screenshot_20211228-095956_Gallery.jpg

Sirang sira na pala ang bobong ng aming bahay. Lahat ng gamit namin, nakalubog na sa tubig. May mga poste na pala ng kuryente ang nakahandusay sa bahay namin. Kaya pala hindi ko na alam anong klasing ingay yong narinig ko. May lumipad, at may bumagsak din pala.

Kaya yong kapit bahay namin, nong medyo humina na ang hangin, sumisigaw talaga na sabay na kaming lumipat sa local church namin. Takot ako sa nagliliparang yero pero talagang nag lakas loob na akong lumabas kasama ng mga anak ko. Ang dilim ng paligid, hindi ko alam paano kami nakalipat na safety, yong tubig na dinaanan namin, pagka madaling araw may yero palang naka lubog doon. Hindi lang isa, ang dami pala. Salamat sa panginoon at ligtas kaming tatlo na wala man lang sugat kahit ni isa. Kahit basang basa ang mga anak ko, sumabay pa rin kami sa prayer. Grabe ang bait ni God. Pinagtatawanan na lang namin ang pinagdaanan namin sa gabing iyon.

Screenshot_20211228-095953_Gallery.jpg

Pagka umaga, bawat pamilya ay gumawa na ng paraan para ipagpatuloy ang buhay. Pilit na bumabangon. At ang persyo pa ng yero biglang na lang naging 570 kada isa at pinipilahan pa nang pagka haba haba. Hala, wala na ngang makain kasi basa na lahat pati bigas, yong pera sa yero pa napunta at ang mahal pa. Natulala talaga ako bigla. Yong mga anak ko na naglalaro na walang muwang, sa kanila na lang ako humuhugot ng lakas, "kaya ko to".
Walang signal, patay ang phone. Di ko ma sabihan yong asawa ko. Saan ako lalapit. Ang hirap talaga. Litteral yong hirap, yong luluha ka talaga, basta. Walang tubig. Lahat pinipilahan. Kaya yong mga anak ko for the first time umiinom na kami sa tubig puso. I just let it boiled 1st. Naka survive kami sa bagyo, pero heto pahirapan sa lahat ng bagay. May kaunti sana akong pera sa ATM pero hindi agad ma withdraw kasi walang kuryente.

20211219_191915.jpg

Sa mga oras na ito, wala pa ring kuryente sa lugar namin dito sa Soong. Pahirapan pong humanap ng signal. May mga lugar na paunti unti may signal na kaya nakapag Steemit ako. I praise God for his goodness to me and to all of us na nakaranas sa hagupit ni bagyong Odette, buhay pa rin tayo kaya marami pa rin tayong dapat ipag pasalamat sa panginoon. At umaasa ako na sa kabila ng lahat lahat na dinanas ko ngayon, kami ng mga kababayan ko sa Visayas, malampasan din natin ito... @kyrie1234 @abby0207 @bisayakalog, kumusta rin po kayo. Patuloy pa rin tayong maniniwala na God is in control.

20211219_191754.jpg

Sana sa susunod na post ko ay masayang kwento na. Keep safe po!

Cheers,
@fabio2614

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

laban lang kaibigan malalagpasan din natin to