Hindi Natin Basta-Basta Malalabanan Ang Diyablo Sa Sarili Nating Lakas.

in hive-169461 •  2 years ago 

image.png

Mapagpalang araw sa ating lahat. 😊
Kung titingnan natin ang isang sanggol na nagsisimula nang matutong maglakad, mapapansin natin na hindi siya makalakad nang mag-isa. Kailangan siyang hawakan o alalayan para makatayo at makalakad. Ngunit mula sa pananaw ng sanggol, siya ay naglalakad nang mag-isa at walang tumutulong sa kanya. Kung lumakad siya ng diretso at naging confident dahil akala niya siya mismo ang gumagawa nito. Pero kung bibitawan natin ang pag-alalay sa kanya, agad siyang natumba.

image.png

Ganito tayo sa buhay natin. Iniisip natin na tayo ang may kontrol sa ating buhay at kaya natin ang ating sarili. At kung hindi natin babaguhin ang ating pag-iisip, pupunta na lang tayo sa gusto nating puntahan. Kaya minsan hinahayaan tayo ng Panginoon na matumba para ma-realize natin na hindi natin kontrolado ang ating buhay at kung tayo ay mag-isa, tiyak na ipagpapatuloy natin ang ating mga ginagawang mali.

image.png

Pero dahil mahal Niya tayo, hindi Siya nagsasawa na bigyan tayo ng pagkakataon na lumapit sa Kanya para mabago Niya ang puso natin at hindi Siya nagsasawa na tulungan tayong makabangon kada mali na nagawa natin sa buhay natin. Dahil alam ng Panginoon na Siya lang ang may kayang tumulong sa atin para hindi tayo mahulog sa patibong ni Satan. Dahil kung sa sarili lang natin na lakas, siguradong malilinlang tayo ni Satan dahil alam niya ang kahinaan natin.

image.png

We cannot simply resist Satan on our own strengths. Wala tayong kapangyarihan laban sa kanya at sa kanyang mga pakana. Ang tanging paraan para labanan ang diyablo upang siya ay makatakas sa atin ay ang isuko ang ating buhay at ang kontrol ng ating buhay sa Panginoon upang mapatnubayan at bigyan Niya tayo ng kapangyarihan sa lahat ng ating ginagawa. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃😘

So humble yourselves before God. Resist the devil, and he will flee from you. (James 4:7)

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Udaneta City, Pangasinan, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


me.png
image.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!