Huwag Hayaang Ang Pagmamataas Ang Dahilan Ng Pagkasira Ng Isang Relasyon.

in hive-169461 •  2 years ago 

image.png

Pride ang rason kung bakit madaming relationship ang nasisira. At ang nakakalungkot ay madalas walang gustong umamin na mataas ang pride nila kaya madaming unresolved conflicts. Ang pride ay hindi kailangan ituro dahil parte ito ng nature natin. Minsan ay ayaw nating mag-sorry o kung mag-sosory man tayo pilit o galit pa.🙃

Ang reyalidad ay sinisira ng pride ang relationship natin hindi lang sa ating kapamilya at kaibigan, kundi pati sa Panginoon. Madalas dahil sa pride kaya hindi lumalapit ang isang tao sa Panginoon. Pride dahil hindi naniniwala na kailangan ng Tagapagligtas. Pride sa sariling abilidad at sa paggawa ng “mabubuting bagay”. Pride sa pinaniniwalaan ng “religion”. Pride sa nakasanayan na “tradition”. Pride dahil ayaw magpakumbaba at isuko ang buhay at kontrol ng buhay sa Panginoon.

image.png

Kung nais natin magkaroon ng tunay na relationship sa Tunay at Nag-iisang Diyos, sana matutunan natin na ihumble ang sarili natin sa Kanya. Aminin natin sa Kanya ang hopelessness natin kung wala Siya. Humingi tayo ng tawad sa kasalanan natin. Tanggapin natin ang kapatawaran na inooffer Niya sa atin. At magdesisyon tayo na icommit ang buhay natin sa Kanya hanggang sa huling hininga natin.

image.png

Huwag hayaang na ang pride ang maging dahilan kung bakit ma-miss out natin ang Katotohanan. Huwag hayaang na ang pride ang maging dahilan kung bakit ma-miss out natin ang kaligtasan. Magpakumbaba tayo ngayon sa harapan ng Diyos. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Urdaneta City, Pangasinan, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


me.png
image.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Tamang tama po ito, dapit panatilihin ang pagpapakombaba at respeto sa bawat isa...

Amen sir

Fherdz mag pa verify ka para ma recommend ka namin for booming support. Thanks!

Tama po, yan ang pinaka hadlang sa bawat komunikasyon.