Hello po sa inyong Lahat☺☺☺
Mga kapwa ko pinoy naway nasa mabuti kayong kalagayan. Ngayon simulan na natin ang kwento ko noong nagdaang araw.☺☺☺
Noong lunes ay wala akong pasok sa aking trabaho or in short d-off ko po. Akoy walang magawa noong araw na iyon. At ng mga bandang alas diyes ng umaga dumating ang aking nobyo @jearo101 kasama ang kanyang ina. Galing sila sa palengke at dumaan lamanh sa aming bahay. Akoy tinanong ng aking nobyo kung sasama raw ba ako sa kanila? At syempre naman ang sagot ko ay ou gad. Dahil parang tinatawag ako ng karagatan. Noong araw kasing iyong high tide kaya masarap maligo sa dagat. Opo sa dagat. Ang bahay kasi nila sa likod nito ay dagat na. Kaya sa tuwing pumupunta ako sa kanila ay talagang naliligo ako ng dagat. Depende nalang kung akoy tamarin.😂😂😂
Kaya fast forward tayo, pagkadating namin ay kumain muna kami at saka kami naligo ng dagat. Grabe mga besh ang sarap maligo. Lalo na at talagang ramdam na talaga natin dito sa #steemitphilippines ang summer. So ano pa ang inaantay niyo diyan? Samahan niyo na akong magtampisaw at swimming sa dagat.
Oh siya mga besh hanggang dito na lamang ang aking kwento at akoy busy na sa paglalalangoy. Chus.☺☺☺ Ingat kayo lage mga besh. God bless us always😙😘😙
ang iyong lingkod,