Hello Everyone😊😊😊
Hope all is good and safe😊😊😊
Ako nga po pala ay naimbitahan ni @shikika noong isang araw na muling sumali sa contest. At ito na nga ang #blackandwhite photography. Noong una ay medyo di ko pa keri dahil sa wala pa akong maisip na ibabahagi.
At dahil ngayon ay meron na hindi na ako nagdalawang isip pa na eh entry ko ang kwento kong ito.
Pero bago po nating simulan iyan, nais ko lamang pong magpasalamat sa lahat na sa patuloy niyong pag gagabay at pagsuporta sa aking mga mumunting artikulo. Maliit man o malaki ang suporta na iyan, mapalad na po ako nun at dapat ko na po iyong ipagpasalamat.
Oh siya tama na iyan. Simulan na natin ito sa tanong na siyang aking pinaka highlight sa usaping ito.
"Bakit Ka Nga Ba Nagdarasal?"
Well sa tanong na ito iba't-iba tayo ng mga dahilan at nirerespeto ko iyon. Iba't-iba rin ang ating mga sinasamba at nirerespeto ko rin iyon. Kung ako po ang sasagot sa katanungan na ito, marami po akong mga dahilan kung bakit ko po ito ginagawa.
Sa inyo pong kaalaman ako po ay natutong magdasal noong elementarya pa lamang ako. Nasa ikatlong baitang na po ako nong matuto akong mag rosary. Natuto po ako nito sa aming barangay chapel. Sa tuwing buwan ng Mayo ipinagdiriwang ang Flores de Mayo isang buwan ang selebrasyon na iyan na gabi-gabi ay may procession. At bago po iyan ay nagdarasal muna kami ng rosary. At sa kagustuhan ko po talaga na matuto halos gabi-gabi po ako nun na nag aattend ng rosary. Hanggang sa ma memorized ko na po iyon.
Iyan po ang munti kung pa throwback sa inyo kung paano po ako natutong magdasal. Sa katunayan po hindi na po kailangan pang aralin ang pagdarasal. Malaya ka kung ano man ang gusto mong ipagdasal sa kanya. Ako po sa tuwing nagdarasal unang-una ko pong binibigkas sa aking mga labi ay ang pasalamatan siya sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko masaya man ito o malungkot. At kaya rin po ako nagdarasal hindi lang upang manalangin sa kung ano ang aking gustong mithiin. Isa na po iyon pero ang una po sa lahat ay ang pagpapasalamat talaga.
Ako po ay nagpapasalamat sa kanya sa lahat ng mga biyayang ipinagkakaloob niya sa akin. Sa mga pagsubok na lalong nagpapatibay sa akin na labanan ko ang mapanlinlang na mundong ito. Ang pagdarasal din para sa akin ay nakakapag pawala ng mga hinanakit na nakatago lamang sa kaibuturan ng ating mga puso na hindi natin masabi sa iba pero sa kanya lamang sa pamamagitan ng pagdarasal.
Talagang nakakapag pagaan ng aking nararamdaman sa tuwing naibubuhos o nasasabi ko po sa kanya ang lahat na naandito sa aking puso. Iyong mga ipinagdarasal ko man po ay alam ko pong matutupad iyon. Hindi man po ngayon, bukas o sa mga susunod pang bukas alam ko po sa sarili ko na ipagkakaloob niya po iyon sa akin sa tamang panahon. Ako po ay maytiwala at nananalig sa kanya ng buong buo.
Oh ayan na po mga ka steemit. Iyan po ang aking mga dahilan kung bakit po ako nagdarasal. Ganun din po ba kayo? Pwedeng ou at hindi. Sabi ko nga po sa bungad pa lamang po ng aking artikulo ay iba-iba tayo ng dahilan.
Hanggang sa muli po. Mag iingat po tayong lahat at sabay-sabay po nating ipagdasal na sana po ay mawala na po ang pandemic na ito. Alam ko po na pakikinggan niya po tayo. Wag lamang po tayong susuko. God bless po sa lahat.
Ang inyong lingkod,
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hello po,
Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.
Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.
Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.
New Contest Alert:
God Bless po!!!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat din po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you @loloy2020 and sorry po at nakalimutan ko pong mag mention ng friends. Sa susunod ko nalang po na entry
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Prayer is a way to communicate to the Divine Being. Thank you for participating.
Total Rating: 9.1
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you @fycee 😊😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maupay dai ky meada ka geap entry!
Very good! 😊
Prayers our weapon at all times! 😇
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Kay imo ako gin invite😊Tapos ako nangalimot pag invite. Hahaha.Kaloka😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahaha. Kumusta na tatay?
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Okay2x na te. Nakagawas na kami. Salamat sa diyos.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit