Magandang araw sa lahat ng mga Pilipino dito Steemit Philippines. Ang ibabahagi ko ngayon sa paligsahan na ito ang "Pagiging masayahin ng mga Pilipino kahit sa simpleng selebrasyon."
Ang larawang ito ay kuha noong nakaraang taon, Nobyembre 2, 2020. Ang aming pamilya ay pumunta sa dagat pagkatapos ng Nobyembre 1, Araw ng mga Santo dahil sa subrang pagkain na handa namin sa gabi. Kami ay nagkakaisa na pumunta sa dagat dahil sa ilang buwan na paglalagi lang sa bahay dahil sa pandemya. Pero kaming lahat ay nakatira lang sa iisang lugar kaya kami ay nag-iingat din sa aming kalusugan. Kahit sa kaunting salo-salo at sa dagat na hindi naman tulad ng mga beach resort, kaming lahat ay nag-enjoy lalo ng ang mga bata. Isang pampublikong dagat, na kahit sino, basta hindi lang maarte ay pwedeng makapunta at magsaya. Isang masayang selebrasyon at lahat ay nakangiti kahit ito ay simple lamang. Ang pamilya namin ay kuntento na at masaya ang importante ay buo kami sa gitna ng mga problema.
Ang kulturang ito ng mga Pilipino ay hinahangaan ng mga ibang lahi sa buong mundo. Kung kaya maraming mga banyaga ang pumunta sa Pilipinas at nakikipag kaibigan sa atin dahil sa ating pagiging simple at masayahin sa buhay. Ang pagiging masayahin kahit sa kaunting handa sa mga selebrasyon ang importante ay ang pamilya ay nagkakaisa. Kahit na may mga problemang kinakaharap ang mga Pilipino tayo ay humahanap ng paraan para maging masaya. Tayo ay tumitingin lamang sa mga positibong mga pangyayari sa buhay. Manalangin at magpasalamat kahit sa hirap ng buhay ay eto pa rin tayo nakangiti lamang at sasabihin na kaya natin ito.
Ang mga Pilipino, kahit na daanan ng maraming bagyo at mga kalamidad tayo ay bumabangon at hindi sumusuko. Ngumingiti at tuloy pa rin ang buhay. Kahit ngayon na may pandemya tayo ay patuloy pa rin na tumitingin sa mahahalagang pangyayari sa ating buhay at ngumingiti sa malaki o kaunting biyaya na natanggap natin sa araw araw. May kasabihan nga dito sa amin "Bahala ug pobre ang importante Buhi ug malipayon".
Kaya kahit tayong lahat ay dumadaan sa problema huwag kalimutan ang ngumiti, maging masaya at i-enjoy ang buhay.
Salamat sa paligsahan na ito @steemitphilippines at inaanyayahan ko ang aking mga kaibigan na sumali @yen80 , @sweetnaomi05 at @remay
Hi ate ging, sana all makaligo ug dagat.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Last year pa man ni nga picture pag ligo didto sa may bigfoot..hehehehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong post. Subalit tapos na po ang Photography Contest week 3. meron po tayong new contest.
Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.
New Contest
Diary Game Contest with new Rule Added
God Bless po!!!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit