Pagbahagi ng aking Kaalaman Tungkol sa Steemit

in hive-169461 •  4 years ago  (edited)

Mabuhay !!!!

Magandang araw po sa inyong lahat dito sa Steemit Philippines at sana ay nasa mabuting kalagayan kayong lahat kahit sa gitna ng pandemya. Ngayon araw na ito ay nais ko ibahagi sa inyong lahat ang aking karanasan sa unang pagkakataon ang pagtuturo ng steemit sa aking mga kaibigan at co-steemian.

IMG20210515154424.jpg

Itinuro at ibinahagi ko sa kanila ang mga nalalaman tungkol sa steemit. At ang mga paksang itinuro ko sa kanila ay:

  • Kung ano ang Steemit
  • Ano ang mga ibat-ibang kumunidad at ano ang meron dito
  • Tamang pag-tag
  • Mga ibat-ibang code para mapaganda ang blog o style tingnan
  • Pagboto at pagresteem
  • Paano i-promote ang Steemit sa iba’t –ibang social media apps
  • Pagkomento at pakikipag-usap sa mga steemians
  • At pag-invest sa Steemit

IMG20210515153249.jpg

Sa pamamagitan ng pagturo ko sa kanila ay naging masaya ako dahil naramdaman ko na meron silang natutunan at gusto rin nila ibahagi ang Steemit sa ibang kaibigan at katrabaho nila. Kasi dahil sa Steemit malaki ang naitulong nito sa kanila sa Pinansyal at pati na rin sa pag buo ng blog.

IMG20210515170321.jpg

Dahil din dito ay nabuo ang aming pagsasamahan, suporta sa isa’t-isa at hindi paghinto sa steemit kahit na walang nakapansin sa mga blog naming sa simula. Kaya hinihikayat naming ang aming mga bagong miyembro na huwag sumuko agad at nandito lang kami kahit na 0.000001 lang ang boto namin.

Bumuo rin ako ng groupchat namin sa Messenger para doon sila pwedeng mag tanong at maglagay ng link sa blog nila para mabigyan namin ng suporta.

Kahit sa aking maliit na tulong sa pagturo sa kanila ay masasabi ko sa sarili ko na nagtagumpay ako sa aking unang pagbahagi ng aking kaalaman. At sana ay marami pa akong matulungan na maibahagi ang steemit sa kanilang buhay.

IMG_20210519_172716.jpg

Sa inyong lahat na kasamahan ko salamat sa pakikinig at sana ay magtagumpay tayong lahat at marami pa tayong matulungan.

nandito lang lagi,

@gingfriend20ph

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!