Magandang araw po sa inyo dito sa #steemiphilippines. Isang mainit na pagbati mula sa Luzon.
We visited the farm the other day. I went to the farm with my husband since that day was our schedule to put fertilizer on our squash plants.
We planted the squash last November month,so it have two weeks now and I'm glad that the plants started to grow and for it to grow faster,we went to put fertilizer on each plants we planted.
Noong papunta palang kami ay makulimlim pa ang paligid. Kaya naman magandang panahon naman yun para mag abono. Pero di kalaunan ay uminit din! Sumikat ang araw at masakit sa balat. Pero tiniis namin yun para lang matapos agad ang trabaho.
Sumama naman ang bunso kong anak sa araw na iyon kaya tatlo kami. 8 years old na siya at gustong gusto niyang sumama sa farm,minsan nga pinapagalitan ko pa kasi gusto na niyang mamasyal e hindi pa niya tapos ang module niya. Pero buti nalang at natapos niya sa araw na sumama siya sa amin. Dahil sumama siya,inutusan kong manguha ng picture.
Tinanggal muna namin ang mga damo na tumubo sa tabi ng kalabasang tanim para hindi agawin ng damo ang fertilizer na para sa kalabasa plants.
Ayan may mga maliit na damo nanaman,tinanggal namin yung malalaking damo.
Nakakapagod pero kung iisipin na may maaani o mahahavarvest after ng pagtatanim at pag aabono ay napapawi naman yung pagod. Malaking tulong din kasi ang squash plants na ito kapag namunga na. Binebenta ko ang kanyang mga bulaklak araw araw at my mga suki naman kami na kumukuha sa bunga ng kalabasa.
After namin mag abono ay nagmeryenda at umuwi rin kami agad. Heto ag picture namin ni Sealtiel (pangalan ni bunso). Hindi naman nakatingin si daddy kaya kami lang ni bunso ang nakasali sa picture. Isa talaga sa mga sadya ni bunso ay upang makasali sa meryenda😅. Pero ayun worth it naman ang araw kaysa magmukmok sa loob ng bahay at walang matapos na trabaho.
Salamat sa pagbabasa! Have good day.😊