Isang masaganang araw sa ating lahat naway nasa mabuting kalagayan ang bawat isa sa atin ngayon.Ito na naman akong muli @itsmejos nais kung ibahagi ang isa sa mga alagang hayop sa aming bahay.
Ito ay isang pato o kadalasang tawagin sa amin ITIK.
Sa pagkakaalam ko hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam kung saan nanggaling ang itik na kung tutuusin ito ay galing din sa itlog.Mayroong ibat ibang klasing pato na pwedeng natin alagaan. Ang itik ay isang uri na hayop na kung saan ay pwede gawing pangkabuhayan sapagkat marami tayong benepisyong makukuha nito.May mga tao din eksperto na sa pag aalaga nito sapagkat
ginagawa na nilang hanap buhay ang pag aalaga ng mga pato o itik.
May Itik na pwedeng gawin karne na kadalasan ay binibili natin sa palengke para sa pagkain.May itik din na sagana sa pagbigay ng mga itlog at maari din gawin ulam depende sa kung anong gusto mong luto.Ang itlog ng itik ay maituturing pangunahing itlog na ginagawang BALOT na isa sa mga paborito ng Pinoy, na kahit saang lupalop kaman ng daigdig kung ikaw ay isang Pinoy hahanap hanapin mo talaga ito.
Kadalasan,sa umaga ay pinapakain sila upang maging malulusog ng sa ganon makalikha ng maraming mga itlog at upang maging mataba ang kanilang mga karne. Ang pato na ito ay malapit ng mamimisa ng kanyang mga itlog sapagkat palagi niya itong binabantayan minsan kasi pag iniwan nila ang kanilang mga itlog ito ay hindi na maging sisiw kusa itong mabubulok at hindi na mapakinabangan.
Kahit hindi ako eksperto sa pag aalaga
nito ito ay naging libangan ko sa tuwing uuwi ako sa amin bahay dito sa probinsya,nakasanayan ko na kasing mag alaga ng mga ibat ibang uri na hayop at ang sarap sa pakiramdam na may nakikita kang mga hayop sa iyong kapaligiran at ito ay nakakagaan ng loob. Ang mga hayop ay madali lang alagaan kung ikaw ay kusang loob o galing sa puso ang pag aalaga nito, ito rin ay nakakataba ng puso sa tuwing sila ay paunti unting lumalaki. May mga mababangis din na hayop ngunit ito ay kadalasang makikita lamang sa gubat o sa hayopan.
Ang mga hayop sa ating kapaligiran ay dapat din nating alagaan ng wasto sapagkat sila ay may BUHAY din kagaya nating mga tao ang pagkaiba lang nila ay hindi sila nagsasalita.
Ngunit malaki ang kanilang naitutulong o naging ambag sa mga tao sapagkat sila ang pangunahing
mapagkukunan ng ating pamumuhay.
Maraming salamat at maging maingat tayong lahat.
Yours truly,
@itsmejos