MY VERIFICATION POST: @janeaugusto /visayas region

in hive-169461 •  3 years ago 

IMG_20211025_205558.jpg

Magandang araw po sa inyong lahat.Ako po si Mary jane Augusto 42 years old, Ako po
ay may asawa na at may talong anak. Nakatira po ako sa Lapu lapu city Cebu,pito po kaming magkakapatid apat na lalaki at tatloang babae,ako po ang pinakabunso sa aming magkakapatid. Tatlong taong gulang palang po ako ng namatay ang aking ina sa kadahilanan ng sakit sa baga pagkalipas ng tatlong taon sumunod na namatay ang aking ama nahinto ng pag aaral ang aking mga nakakantandang kapatid para maghanap ng trabaho para sa pang araw araw naming gastusin. Dahil ako ang bunso kinupkop po ako ng aking lolo kaya nalayo po ako sa aking mga kapatid pina paaral po ako ng aking lolo hanggang sa nakatapos po ako ng elementarya at highshool, pero yong iba kong kapatid ay nakatapos ng highshool sa tulong din ng aking tiyahin ang iba kong kapataid hindi nakatapos kahit sa elementaraya pagkatapos ko ng highshool nakapasok agad ako ng trabaho maaga po akong nabuntis 18 years old pa po ako nabuntis ng aking kasintahan na ngayoy asawa kona. Hindi normal ang aking panganganak sa tatlo kong anak cesarian session po sila lahat. Sa awa ng Diyos ay binigyan naman sila ng malulusog na pangangatawan na ngayon ang aking panganay ay 24 years old ang pangalawa ay 21 years old at ang pangatlo ay 18 years old.

IMG_20211025_210610.jpg

Noong maliit pa ang aking mga anak ako ay tumutulong po ng aking asawa pumasok po ako ng ibat ibang trabaho upang makatulong sa pag araw araw na gastusin sa bahay ako po ay nagtatrabaho noon sa isang company bilang prodution operator ,kitchen staff sa isang korean restaurant at housekeeping din ako noon sa ESL school. Sa ngayon wala napo akong trabaho ako ay nasa bahay nalang nag aasikaso sa gawaing bahay at sa aking mga anak at asawa.

Isa sa hilig at libangan ko ay ang pagkanta. mahilig din po akong magluto.

nagpapasalamat ako sa aking mga sister in laws na sina @jeanalyn at @jenniferocco dahil nakilala ko ang steemit. Sila ang nag.encourage sa aking na sumali sa steemit. Hindi paman lubos ang aking kaalaman tungkol sa steemit sisikapin ko na matuto. Sisikapin ko din po na maging aktibo sa kumunidad na ito.

lubos na gumagalang @janeaugusto

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Welcome po!

salamat po

Welcome to Steemit Philippines! Steemit is carrying a banner of a blog and earn, which means that this social media is an incentivized blogging site. Just do the best you can to show a quality post with more than 300 words and for you to learn, enjoy reading, and strolling on other posts.
For those who are newcomers on the Steemit platform, I would like to remind you to fully understand and read the following;

We are also inviting you to join our contest that we initiated and engaged to other members and comments on their posts too! My advice, please follow those rules for you to have a bigger chance for curators' upvotes. If you need some help, we are here to assist.

Thank you,
Admin @juichi

thank you