Isang magandang gabi po! Kumusta na po kayo? Sana nasa mabuti po kayo pagkatapos ng bagyong Odette dalawang buwan napo ang nakalipas mula ng sinalanta po tayo ng bagyo Alam nyo po sa lugar po namin Hanggang ngayon wala papo kaming kuryente pagkatapos ng bagyong odette. Kaya po hanggang ngayon nakikicharge nalang po kami ng celpone sa aming kapit bahay para po sa mga importanting tawag or may mga kamag anak po kaming kailangan tawagan po kaya rin po ngayon papo ako nakapag post rin po sa kadahilanan po ng hindi po mabuti ang signal.Sa gabi pong ito gusto ko lang pong e share sa inyo noong nakaraan pong valentine's day feb 14 ng gabi masaya po kami ng aking asawa dahil po inilibre po kaming kumain ng aking kapatid na nasa abroad nagtatrabaho kami pong lahat ng aking mga kapatid na may asawa ay nilibre nya para po daw kami ay masisiyahan sa araw ng mga puso.maliban po sa aking mga kapatid na may asawa sinama din po namin ang tig isa naming mga anak dahil po medyo may kamahalan po ang aming pinagkain na restaurant tig isa lang po ang naisama naming mga anak.
masayang masaya po kami sobrang excited dahil first time po naming ma experience na magdinner sa araw ng valentine's day kadalasan po nasa bahay lang po kami kasama ng aking asawa at mga anak,masayang masaya po ako dahil rin kasama ko ang aking mga kapatid at ang kanilang mga asawa at ang kanilang mga anak.
Sobrang nasiyahan po kaming lahat ng aking mga kapatid dahil po sabay sabay po kaming nakapag celebrate ng valentine's dinner po kasama po ng aking kapatid at ang kanilang kanya kanyang asawa, dahil bihira lang po kaming magkakasalo ng sabay sabay lalo lalo na sa mga okasyon na kagaya nito. Talagang mahal na mahal po kami ng aking kapatid dahil sabi niya basta masaya daw po kami masayang masaya na rin siya mapapawi daw ang kanyang kalungkutan sa tuwing kami pong magkakapatid ay magkakasamang at masayang masaya narin daw po siya. . Nagpapasalamat po kami sa aking kapatid na nasa abroad dahil hindi nya po kami kinalimutan kahit po may kanya kanya napo kaming pamilya sumusuporta parin siya sa amin sa abot ng kanyang makakaya...
Hanggang dito nalang po
Lubos na gumagalang,
@janeaugusto