Magandang umaga sa lahat, lalong-lalo na sa mga kaibigan ko dito sa STEEMIT PHILIPPINES.
Nais kong ibahagi sa inyo kung ano ang magandang maidudulot ng taong masipag at matyaga sa sarili.
Ito si Cj, ang kaisa-isa kong kapatid. Dalawa lang kami sa aming pamilya at ako ang panganay. Nais kong ibahagi sa inyo ang kabutihan at kasipagan ng aking kapatid.
Nag-aaral siya sa isang public highschool malapit lang din sa amin. At dahil sa pandemya na ating nararanasan ngayon, wala nang face-to-face classes at modules nalang ang inaatupag.
Hindi madali ang pagsagot ng mga modules, minsan nakatulog na ang kapatid ko mga 1am na ng umaga. Kapag natapos na ang modules niya, pupunta siya sa ilog para mag imbak ng buhangin.
Kahit mahirap para sa kanya ay tinitiis niya para siya ay may pera, makakabili ng kahit anong gusto niya. Minsan sinabihan ko na hwag nang tutulong sa amin sa pag impok ng buhangin pero ang sabi niya, para daw makatulong siya at magkaroon ng sariling pera.
Nagsisimula siyang magtrabaho alas 7 ng umaga at magtatapos alas 4 ng hapon. Syempre nagpapahinga rin naman lalo na kung mag-aalmusal at mananghalian. Kahit mahirap na trabaho ay napapansin kong parang simple at madali lang sa kanya. Kahit sa murang edad ay para bang magaan lang para sa kanya ang kanyang ginagawa.
Sa ngayon marami na siyang naimpok at hindi magtagal ay maipagbili na ito sa Hardware shop o yung pagawaan ng hollowblocks.
Tinutulungan rin namin siya na madaling dumami ang kanyang naimpok na buhangin para maibenta agad ito.
Kahapon, dakong alas 3 ng hapon naipagbili na ang kanyang buhangin at masayang-masaya ang aking kapatid na may pambili na siya ng makakain at kung ano ang gusto niya.
Kahit maliit lang ang halaga ay malaki na rin ang naitulong para sa kapatid ko. Kahit ganito lang ang halaga ang importante ay nagkakapera sa malinis na paraan.
...ang kuhang letrato po ay actual sa pagtatrabaho ng kapatid ko at ginabayan ng magandang panahon...
Yun lamang po at maraming salamat sa pagbasa. Godbless you all.
Hang sipag ninyong magkapatid, malayo ang inyong marating sa hinaharap.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po ate Ju.. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang sipag naman, sana ay makapagtapos at marating ang minimithi
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat nay.. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Malayo ang mararating ng taong masipag. Patuloy lang.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po ate met.. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Isang halimbawa ng isang huwarang anak. Ang galing niyo😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat ate june.. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang sipag. Tuloy lang sir.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat sa papuri sir.. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit