Edited By: Canva Application
July 23, 2022, 8am ito ang petsa at oras ng kapanangakan ng aking unang anak na si Irisha. July 22 pa lang ng gabi ay nag-umpisa nang sumakit ang tyan ng aking asawa at sa pag-aakala namin na kabag o hangin lang ang sanhi sa pasakit ng kanyang tyan. Nagpatuloy yun hanggang sumapit ang alas 4 ng umaga sa susunod na araw. Nagulat kami nang may lumabas na dugo sa kanya kaya nagmamadali akong naghanda ng mga gamit sa bata, kasama na ang susootin ng aking asawa. Para sa akin nakakatakot at halos hindi ko na alam ang aking gagawin first ko pa kasi ito sa madaling salita nataranta talaga ako.
Pagdating namin sa birthing homes o bahay paanakan ay agad siyang ipinaupo sa sofa at minomonitor ang kalagayan ng aking asawa hanggang sa ipinasok na siya sa delivery room at nanganak.
May halong takot at tuwa ang naramdaman ko noong araw na iyon pero ang nagpapaiyak sa akin ay ang pangamba. Buti nalang naisip kong chat si kuya @loloy2020 para maibsan lamang ang pangamba ko. Habang nagchat kami ay umiiyak naman ako dahil sa Pangamba habang si kuya naman ay nag advice sa akin na hwag magpapadala sa pangamba at maniwala lang sa Panginoon. Alas 8 ng umaga lumabas ang bata at nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon. Tuwang-tuwa naman ang aking mga magulang dahil may unang apo na sila at agad naman silang bumisita sa amin doon sa bahay paanakan.
Tuwang-tuwa din ang Kapatid na babae ng aking asawa sa balita na isinilang ang bata na malusog. Dahil maraming nagmamahal sa aking anak kaya marami rin regalo ang ibinigay kagaya nito. Mga diaper at wipes na siyang pinakaimportante sa bata. Nagpapasalamat naman ako sa nagbigay nito.
Lumipas ang maraming araw hanggang sa naging isang buwan na siya mula sa kanyang kapanangakan ay sa awa ng Panginoon wala namang problema. At para macelebrate ang kanyang 1 month ay bumili ako ng mga cupcakes at design ko ng number 1 at nilagyan ng kandela at inilagay malapit kay baby.
Syempre bilang isang magulang ay hangad natin ang ligtas at malayo sa sakit ang ating mga anak kaya naisipan naming magpabakuna para sa mga bata dito sa aming Barangay Health Center. Sa tulong ng aking mabait at mapagmahal na ina nag natatrabaho din sa Health Center ay nabukanahan agad si baby.
Ilang buwan ang lumipas hanggang napagdesisyunan naming pabinyagan ang bata. October 30, 2022 nang pabinyagan namin si baby. Isa itong napakahalaga para sa ating lahat lalo na ang buhay espiritual. Kahit simpleng salo-salo lang ang naganap ang importante ay nagkakasama ang boung pamilya sa hapagkainan.
Ito ang simula ng aking bagong Yugto ng aking buhay bilang Ama. Nararapat na sila ay protektahan, mahalin at alagaan. Kahit maraming dumating na mga problema ay nananatiling matatag ang aming relasyon para sa aking Pamilya lalo na sa aking pinakamamahal na anak.
Congrats 👏 to you kuya!
And Good luck for being a parents hehehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you.. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit