Magandang Hapon sa lahat lalong-lalong na sa minamahal kong taga suporta ng aking mga post dito sa steemit philippines sa steemit community.
Binayayaan tayo ng Panginoon dito sa mundo ng isang magandang lugar at magandang kalikasan. Nasa atin lang kong paano pangangalagaan ang ating kalikasan.
Ngayong araw na ito ay nais ko pong ipakita sa inyo ang mga magagandang tanawin sa pagpunta ko sa lugar ng aking kamag-anak.
Dito sa lugar na ito kadalasang naliligo ang mga tao. At dahil sa pandemya ay tahimik na ang lugar na ito. May nangisngisda rin dito lalong-lalo na kapag madaling araw.
Sa aking paglalakad, sa dalampasigan ay may napansin akong isang halaman na tumubo sa gitna ng mababato at maaalat na lugar. Sa pagkakaalam ko ito ay isang halaman na kung tawagin ay Mangroove. Ang halamang ito ay nakakatulong upang may matitirhan ang mga lamang-dagat gaya ng isda. Nakakatulongbrin ito para hindi deriktang tatama sa babayin ang mga malalaking alon, lalo na kapag may bagyo.
Sa paglalakad ay nakita ko itong clam shell o maliit na taklobo na naka pikit sa gitna ng malalaking bato. Mahirap itong tanggalin dahil nakapikit ito sa bato.
Dito talaga sa lugar na ito ay mababato dito. Bihira lang ang lugar dito na mabuhangin. Mga malalaking bato ang matatagpuan dito. At kinakapitan pa ng mga talaba na siyang nakakasugat sa mga paa natin.
Pero ang nakakamangha ay itong lugar na ito. Ayon sa mga matatanda na nakatira malapit dito, ang lugar na ito ay isang konkretong daan pala panahon ng mga hapon. 85 years na ang nakakaraan , ito ay isang magandang daan ng karamihan. Sementadong daan ito, pero lumipas ang maraming taon unti-unti tumaas ang dagat at umabot ito sa daanan ng mga tao at tuluyuan itong nilamon ng tubig. Aspalto ang lumang daan dito kaya kulay itom ang ibabaw. Ang karamihan ay tinatawag nilang "Bandera o Lamisahan".
Sa gilid ng lumang daan ay may nakita akong nakakapamangha sa akin. At ito ay ang magagandang hugis ng isang corals. Magandanang pagkakadesinsyo nito. Namangha ako dito.
Huling nakita ko itong bato na may footprint ng isang hayop. Mas lalo akong namangha nito dahil sa perpektong bilog nito. Tinatawag itong fossil dahil nakapikit ito sa bato sa habang panahon.
Ngayon, masasabi talaga natin na tunay na maganda ang kalikasan kung pangangalagaan natin ito. Biyaya ng Panginoon, dapat alagaan at pag-ingatan.
The beauty of nature. .
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wow! Meron pa dead corals!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Opo, meron pa.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you very much steemcurator08..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
The natural beauty of nature...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit