Diary Game Season 3: May 2, 2021; Ang Paggawa Ko Ng Paso Na Yari Sa Semento

in hive-169461 •  4 years ago  (edited)

Isang mapagpalang gabi sa ating lahat. Sana nasa maayos tayong kalagayan ngayon. At salamat din sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa mga post ko dito sa STEEMITPHILIPPINES. Nais ko ilahad sa inyo ang Aktibidades sa araw na ito, May 2, 2021 araw ng Linggo.

Simula noong nagsimula ang Pandemya, ay mahilig na akong magtanim ng mga halamang ornamental, para mapaganda ang aming paligid. Umaga pa lang ay pumunta ako sa palengke para bumili ng semento para gawing paso. At para hindi maabotan ng init o di kaya ay ulan, maaga akong pumunta. Bumili rin ako ng mga plastic na paso para hulmahan ng semento, para magmukha at magkatulad sa plastic na paso ang hugis at ang lalim nito.
IMG20210502142934.jpg
Para mas maging natural lang ang paglalagyan at para hindi didikit ang semento, ay kumuha ako ng mga malalaking dahon na siyang ginamit kong idinikit sa plastic na paso bago nilagyan ko ng minasang semento.
IMG20210502143004.jpg
Ito ang mga plastic na paso ang binili at ginamit ko sa paggawa ng sementong paso. Medyo may kalakihan ang mga ito kaya mahirap bumou ng paso na yari sa semento. Mas maganda naman dahil malaki ang pagtatamnan at hindi sisikip ang halaman na itatanim.
IMG20210502142942.jpg
Pagkatapos kong nilagyan ng malalaking dahon ang gilid ng plastic na paso ay sinimulan na naming buhusan ng minasang semento, dahan-dahan naming pinuno iyon at sinimulang gumawa ng hugis na naaayon sa kagustuhan naming desenyo. Sa paggawa ng sementong paso ang mahirap at mabagal na proseso ay ang pag hugis nito at ang paggawa ng butas sa gitna na siyang paglagyan ng mga tanim. Dapat pantay ang dulo nito upang magandang tingnan at organisado.
IMG20210502142949.jpg
Pagkatapos ng mahigit kalahating oras ay ibinilad namin sa araw upang madaling matuyo at madaling matanggal sa replika nito. At nang matuyo na ay ito ang kinalabasan ng aming sementong paso. Tuwang-tuwa naman ako kasi perpekto ang pagkakagawa namin at walang bitak sa gilid ng sementong paso namin.
IMG20210415073131.jpg
Kaya handa nang ilipat itong napakagandang bulaklak sa ginawa kong paso. Ang plastic na paso ay nakakahalaga ng 45 pesos ang isa. At ang isang kilo ng semento ay 10 pesos lang. Sa 45 pesos ay makakabili na ng 4 na kilo ng semento at marami na ang magagawa nito. Kaya mapapaganda na lalo ang bulaklak dahil sa magandang paglalagyan nito.

Yan ang masayang pangyayari ng aking buhay sa araw na ito. Maraming salamat sa pagbasa at Pagpalain kayo ng Panginoon.

FB_IMG_16177098671976945.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ganda naman ng gawa mo, malapit ka lang bumili na ako para sa halaman ko.

Salamat ate Ju.. 😊😊

  ·  4 years ago (edited)

Ang ganda ng gawa mo...puede ka na mag benta nyan . dapat gumawa ka ng maliliit na square gawin mong taniman ng cactus, saka mo i offer sa internet page mo sa FB

Salamat ate Mers, opo yan po ang gagawin ko nextime.nakabenta na po ako ng mga pots yari sa semento noong una. 😊😊

wow ang galing less gasto pa maganda pa pagkagawa congrats naman baka pwed kpa mgbenta nyan kc mas mura lng din kesa plastic na paso.

Salamat ate.. 😊😊 opo nakabenta na po ako nito noong una.. 😊😊

Ang galing naman nito, pwede mo na itong pagkakitaan. Salamat sa pagbahagi...

Salamat po.. 😊😊

Ang galing naman po, salamat sa pag share ng idea katulad nito.