Diary Game Season 3| August 29, 2021| Ang Pagluluto Ko Ng Banana Fritter

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang umaga sa lahat, sa nakaraang patimpalak natin tingkol sa talararawan, lubos akong nasiyahan dahil marami ang sumali sa patimpalak. At higit sa lahat, patuloy tayong dumarami at tumaas ang bilang ng mga myembro dito sa ating komunidad.

IMG_20210829_123644.jpg

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking pagluluto ng banana fritter kahapon. Tayong mga pinoy ay mahilig sa mga meryendalalo na kapag pagkaing pinoy.

Ang pagluluto ng banana fritter ay hindi magastos at dagdag pa nito ang masustanya na pwede sa mga bata.

Dahil may natira pamg saging dito sa amin ay naisipan kong lutuin ito sa ibang paraan at ito ang banana fritter.

Narito ang mga sangkap:

Harina
Mantika
Asukal
Saging

Narito ang Paraan ng Pagluluto:

IMG_20210829_115952.jpg

Una kong ginawa ay binalatan ko ang mga hinog na saging at inilagay sa malinis na sisidlan.

IMG_20210829_120040.jpg

Linagyan ko ng harina ang saging. Ang baba fritter kasi ay masarap kapag nilalagyan ng harina ang saging.

IMG_20210829_120300.jpg

Dahil walang blender, kaya mano-mano ang pagmix nito gamit ang kamay. Kapag mano-mano o bago magluto o humawak ng mg lutuin ay dapat malinis ang kamay.

IMG_20210829_120721.jpg

Linagyan ko ng kaunting asukal para hindi masyadong matamis at magkaroon ng magandang lasa. Hinalo ko ito ng dahan-dahan upang maging balanse ang lasa nito.

IMG_20210829_121255.jpg

Kumuha ako ng isang malinis na pinggan at pinahiran ko ng mantika para hindi pipikit ang banana fritter sa pinggan na may mantika.

IMG_20210829_121237.jpg

Gumawa ako ng mga bilog na mga fritter at inilagay ko ito sa pinggan na may mantika. Maganda ang output kapag organisado at magkakapareha ang laki ng banana fritter.

IMG_20210829_122247.jpg

Nagpainit ako ng mantika sa kawali at pagkatapos ay inilagay ko na ang mga banana fritter. Ang dahilan kasi kong bakit kailangan pang painitin ang mantika bago pritohin ang mga ito ay para hindi pipikit sa kawali at magkakaroon ng perpektong pagkaluto.

IMG_20210829_123349.jpg

At ito na ang ating banana fritter, ibahagi ito habang mainit pa.

Ang banana fritter ay isang pagkain at meryendang pinoy. Maganda din itong gawing negosyo at hindi nakakaumay kainin.

Bago ko tatapusin ang talaarawan ko l, ay nais kong imbitahin sina nanay @olivia08, ate @me2selah at ate @sarimanok.

Abangan nyo rin ang bagong patimpalak natin dito sa @steemitphilippines.

FB_IMG_16177098671976945.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Anu tawag niyan sa tagalog?

Hindi ko alam kaibigan @judyannegamis. 😁 Sorry. Banana fritter kasi ang tawag na dito. Iba din kasi yung maruuang saging. 😊

Ay iba pa ba ung maruya?

Maruya neng. Haha. It sali ka na din samin.

Ay ok haha, nakakabobo ung fritter haha, palambing lang po, sino po pede magdelegate dito saken 😅.
Makatambay na dito.

Akala ko Maruya ang tawag nyan but wheat flour man hinalo mo noh. Pang meryenda nga ito.

Yes ate.. 😊 mahilig kasi ako gumawa ng recipé 😁

Sarap nito sa meryenda 😊

Opo. Salamat memshie 😊

Hmmm puede rin pala i-mash sya ano kasi dito manipis lang ang pag-slice ng bilog. Ang tawag dito ay combo. Marami talagang paraan Ang pagluto Ng saging. Salamat din sa pag-imbeta sa akin .

Walang anuman po ate. 😊

ang sarap naman tignan ng banana fritters mo or Pinaypay sa Cebu Del. Nagutom tuloy ako.
Nakakatuwa ka ang swerte ng magiging maybahay mo in the future.

😁 salamat po ate.

Ay wow ang sarap nyan kuya @jb123 na try ko napo minsan yan..pero all purpose flour ang aking inilagay. Yummy tlga to! Madame makaen ang kids nyan 😍

Opo ate. Salamat po. 😊

Sarap pang meryenda ..maruya ba tawag dyan ?

Yung iba ate,maruya ang tawag. 😊 Salamat ate