Diary Game Season 3 |August 30, 2021| Ang Kaarawan Ng Aking Pinakamamahal Na Ina

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Magandang gabi sa ating lahat, lalo na sa magigiliw na magbabasa ng aking talaarawan dito sa @steemitphilippines. Bago ko sisimulan ang aking pagbabahagi ng aking talaarawan ay nais kong magpasalamat sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta sa ating kumonidad.

IMG_20210830_195232.jpg

Ang ibabahagi ko ngayong gabi ay tungkol sa espesyal na araw ng aking pinakamamahal na ina at ilaw ng tahanan. Kaarawan kasi niya ngayong araw.

Ganito ang nangyari;
Noong linggo ay naisipan ko na kaarawan pala ni mama sa darating na Lunes, Agusto 30. Kaya nagtanung ako sa kanya kong ano ang ihahanda niya sa kanyang paparating na kaarawan. Pero sabi ni mama na wala siyang maihanda at nabatid ko ang kanyang kalungkutan.

Pero bilang isang responsableng anak para sa kanyang magulang ay may kaunti, simple pero puno ng pagmamahal ang inihanda ko para kay mama.

Kinaumagahan ng Lunes ay nagpasya na akong bumili ng sangkap sa lulutuin na ulam. Pero hindi alam ni mama ito para masurprise siya. Tanging ako lang ang nakakaalam sa mga hakbang na ginagawa ko.

Pumunta ako sa palengke at bumili ng mga sangkap.

IMG_20210830_093101.jpg

Dahil paborito ni mama ang pancit ay nagpasya akong bumili ng isang kilo nito at iba pang sangkap sa pagluluto nito gaya ng karne , mantika, bawang, sibuyas at bell pepper at pati na rin ang piniraso-pirasong gulay o tinatawag naming sari-sari sa bisaya.

Ayon din sa lola ko ang pagluluto daw ng pansit, bihon, o ano mang pagkain na mahahaba ay nakakahaba rin daw ng buhay para sa mga taong nagdaos ng kanilang kaarawan.
Bumili rin ako ng dalawang packed ng lumpia para pandagdag sa handa. Ang lahat ng ito ay hindi alam ni mama.

Pagdating ko sa bahay ay nagulat talaga si mama sa kaniyang nakita, subrang saya niya at nagtanong siya kong saan galing ang perang pinamili ko.

Alam nyo mga ka steemit, ang perang ginamit ko sa pambili ay walang iba kundi galing sa ating pinakamamahal na platform ang @steemit.

Kaya sinabihan ko si mama sa lahat at ang sabi niya, malaking tulong talaga ang sinalihan mo. Kaya nagsimula na kaming magluto upang makakain sa pananghalian.

Unang Potahe, Pansit;

IMG_20210830_093506.jpg
Hinugasan namin ang pansit.

IMG_20210830_093321.jpg
Hiniwa ang karne at ibinabad sa tuyo at suka para mas malasa.

IMG_20210830_095932.jpg
Nag gisa ng sibuyas at bawang at saka sunod na inilagay ang karne.

IMG_20210830_093144.jpg

Pinakuluan namin ito at nang lumambot na ang karne ay sunod naming inilagay ang mga sari-saring hiniwa na gulay. Tinimplahan ito at pagkatapos ay tinikman ni papa dahil siya ang tagatikim namin.

#Pangalawang Potahe, Lumpia;

IMG_20210830_103604.jpg
Hindi mawawala sa handaan ang lumpia, kasi isa rin ito sa paborito ni mama at syempre kaming lahat. Niloto ko agad ito upang madaling matapos at para makakain na kami sa pananghalian.

IMG20210830114023.jpg
At ito ang aming simpleng handaan. Hindi namin hinangad na maghanda ng bonggang handaan ang importante ay may kaunting salo-salo ng pamilya para sa espesyal na araw ng aking pinakamamahal na ina.

Kaya para sa aking ina at ilaw ng aming tahanan, maligayang kaarawan sayo ma, sana ay bibigyan ka ng Panginoon ng maraming biyaya at marami pang kaarawan. Bilang isang anak, mahal ka namin at kahit kaunti lang ang nakayanan ko sa tulong ng @steemit communit at @steemit platform ay naipakita namin ang aking pagmamahal at pagsukli sa pagiging mapagmahal mo sa amin bilang isang ina.

Bago ko taposin ang aking talaarawan ay iniimbitahan ko sina ate @reginecruz, nanay @olivia08 at ate @me2selah.

Nagmamahal @jb123

jb123.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Wow, nagluto din kame lumpia kanina, lumpiang togue naman 😅

Hindi ko alam kong anong lumpia ito. 😁 Shanghai kaya ito? 😁

Happy Birthday sa mama mo .Happy Family God bless

Salamat nanay deevi, Godbless you too. 😊

Happy Birthday sa Mahal mong ina, napakasuerte niya at may anak siyang kagaya mo.

Salamat ate @jurich60. 😊

Happy birthday sa mama mo. 😊

Salamat memshie. 😊 Ang inyong greetings po ay makakarating sa aking mama. 😊 Godbless you po. 😊

wow! ang bait mo tlagang anak jb god bless your kind heart. Happy birthday kay mama mo. Ipagpatuloy mo lang yang mabubuti mong gawain and you will be blessed tremendously. Natutuwa ako kung papano mo pinapahalagahan si mother mo. Tama yang binabalik natin sa ating mga ina ang mga paghihirap nila sa atin noon.
God bless your whole family and more blessings pa from steemit.

Salamat sa inyo ate @aideleijoie, my steemit family. Godbless you all. 😊

Happy birthday sa imong mama del.. Salamat sa pag share..

Salamat kuya , Godbless you all 😊