Diary Game Season 3|| December 15, 2021|| Ang Sitwasyon Dito Sa Aming Lugar

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang Gabi sa ating lahat..!

Kumusta na kayo? Sana nasa maayos na kalagayan kayong lahat mga kaibigan. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa sitwasyon dito sa aming lugar lalo na ngayong may paparating na sama ng panahon dulot ng bagyong odette .

IMG20211128104922.jpg

May mga manakanakang pag-ulan ang nararanasan dito sa aming lugar. Nangangamba na kami baka maging katulad na naman ito noong bagyong sendong na umabot ang tubig baha dito sa aming bahay.

Malapit lang kasi ang aming bahay sa ilog kaya tudo pagbabantay kami sa sitwasyon sa ilog. Baka aapaw na naman ito katulad noong nakaraang bagyo. Nang nakita namin sa telebesyon ang balita tungkol sa paparating na bagyo ay nakaramdam kami ng takot at pagkalungkot. Natatakot baka umapaw uli ang ilog at nalulungkot dahil paskong-pasko dumating ang bagyo.

IMG20211128130243.jpg

Palagi naming tinitingnan ang sitwasyon sa ilog at masaya kami dahil ang ilog ay hindi pa bumabaha at nasa normal naman ito. Wala pang baha pero patuloy kaming nagbabantay at maging alerto sa pagdating ng bagyo o baha.

Nasanay na kami sa ganitong sitwasyon, kaso kadalasang mananalasa ang masamang panahon ay tuwing gabi kaya hindi namin makita ang paligid kong ano na ang nangyari. Buti nalang may flashlight kami para magsisilbing ilaw kapag titingin kami sa ilog.

IMG20211128130449.jpg

Nais ko ring ibahagi sa inyo ang malaking tulong ng kawayang ito. Yan kasi ang nagsisilbing harang sa malakas na agos ng tubig-baha para hindi matangay ang aming bahay. Nakita namin kong gaano ito nakakatulong dahil sa mga kahoy na tinangay ng baha noong bagyong sendong, dito napadpad lahat kaya napaisip ako na kung wala ito ay tyak sa bahay namin mapupunta ang mga tinangay dulot ng baha.

Kaya ngayong may papalapit na namang bagyo ay tudo na naman kaming maghahanda at maging alerto palagi.

Ang Aking Steem Power Up

Nais ko lang ding ibahagi sa inyo ang kaunti kong Steem power up para sa @steemitphilippines.

IMG_20211215_185728.jpg

Ito ang nakaraan kong steem power amount, at dadagdagan ko sa pamamagitan ng aking SBD.
Kina-convert ko ito sa steem para makapagpower up na ako.

Screenshot_2021-12-15-18-56-57-92.png

Ito ang nakuha kong steem kaya agad ko itong e power up para mas mataas pa ang aking SP. Para din magkakavalue ng malaki ang aking upvotes sa ibang posts.

IMG_20211215_185834.jpg

Ito na ang aking bagong steem power. Ikinagagalak ko itong ibahagi bilang kabahagi ng @steemitphilippines community.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang gabi sa lahat..

jb123.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ingat kayo jan del, wow dami steem poower ah

Salamat ate.. 😊😊

Good luck at salamat nakinig ka sa payo ni Marites

Youre welcome nay.. 😊

wow! Natutuwa ako sa puno ng kawayan na tumutulong sa inyo. sya ang nagsisilbing wall ninyo para maprotektahan kayo.
Maging handa lang din kung ano't anuman. Usually ang ilog tlaga lumalaki or tumataas ang tubig sana etong paparating na si Odet eh hindi naman ganun kalakas. Pero mukhang dyan sa may Bisaya lang sya kasi dito sa amin tirik na tirik ang araw. Walang sign na uulan.

Wow! congrats sa iyong pag power up! go go go!

Yes ate. Sana hindi ganoon kalakas si bagyong Odette.

oi hala, malapit pala kayo sa ilog dong... ingat kayo dyan

Yes ate.. salamat sa pagbisita sa aking post.. 😊