Diary Game Season 3|| January 14, 2022|| Ang Aming Public Plaza

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang hapon sa ating lahat mga ka steemians at sa lahat na mga myembro dito sa @steemitphilippines.

Kumusta na kayo? Medyo matagal na akong hindi nakapagpost ng aking talaarawan dito sa steemitphilippines dahil sa mga importanteng bagay na inaasikaso.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking pagpunta sa public plaza, dahil sa aking laboratory schedule, ganito ang nangyari.

Nagpasya akong magpacheck-up dahil sa aking karamdaman, at ang sabi naman ng secretary ng doktor ay bibigyan lang muna ako ng schedule tungkol sa aking laboratory tests. Kaya noong nakaraang araw ay schedule ko na. Pumunta ako sa laboratoryo pero ang sabi ng sekretarya maghintay muna ako ng ilang oras. Kaya para makapaglibang sa sarili ay sinuyod ko ang public plaza lalo na ang ipinagmamalaki naming Kuyamis Booth.

IMG20220113084156.jpg

Ang kuyamis ay hango sa salita na ang ibig sabihin ay, Niyog. Ito kasi ang pangunahing produkto dito sa Misamis Oriental kaya pinagpasyahan ng lokal na pamahalaan na gawing festival ito ng boung rehiyon. Isa ng rin itong patimpalak sa bawat munisipyo kasali na rito ang Manticao.

IMG20220113084426.jpg

Sa ibabang parte ng booth ay makikita ang ginawa nilang water pond kasi walang isda naman dito at puro tubig lang, [he-he-he]. Napalibutan ito ng mga pathways na ang sahig ay yari sa kahoy at ginit na kung tawagin na makukuha sa niyog. May ilaw din sa gilid kaya maganda ito kapag pinapailawan na. Sa gitna, ay may nakalagay na bunga kong tawagin. Nagmistula itong bulaklak sa gitna ng tubig.

IMG20220113084330.jpg

Sa gilid ng Booth ay makikita ang mga niyog. Mabuti itong iniligay para hindi mahulog kapag may aakyat sa loob ng booth. Nakadaragdag din ito sa ganda ng lugar at istruktura. Isa rin ito sa nagpapatibay ng pundasyon ng booth at dahil sa pagkakaayos na pagkakalagay ng mga ito

IMG20220113084339.jpg

IMG20220113081544.jpg

Sa kisame ng naturang lugar makikita ang mga bao ng niyog na pinipikit sa ibabaw na bahagi. Nagmistola itong chandelier dahil pinipinturahan ito ng puti para maliwanag tingnan. May iba pang mga endigenous materials na iniligay sa kisame gaya nito na nakakapagbigay ng maganda sa lugar.

IMG20220113081409.jpg

Sa aking pag-akyat, kitang-kita ko ang boung plaza lalong-lalo na ang aming napakagandang fountain. Pinapaandar lang ito tuwing gabi dahil mas marami kasing taong gumagala sa plaza kapag gabi na.

IMG20220113081404.jpg

Makikita rin ang aming Gymnasium o sport complex. Medyo matagal nang ginawa ang aming sport complex pero magagamit at ligtas naman ito.

Sa aking pagpunta sa aming public plaza, nakikita ko ang pagkamalikhain ng ibang tao lalo na ang pagdidisenyo ng aming Kuyamis Booth, lubos akong humanga sa kanila dahil hindi lang nakapagbibigay aliw sa mga mata ng tao kundi nakapagbibigay din ng kagandahan sa lugar.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang hapon sa lahat.

jb123.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Sana ganayn ako laging nkkapasyal

Pasyal ka dito soon ate. 😊😊

@tipu curate

Nice day

Thank you very much. 😊

Yes it was my friend..