Happy New Year Sa lahat, mga ka steemians at sa lahat na mga myembro ng @steemitphilippines.!
Umaga palang ng Desyembre 31 ay abalang-abala na kami sa mga gawaing bahay. Inihanda na namin ang mga sangkap sa pagluluto ng ulam at iba pang pagkain gaya ng macaroni, isa sa mga paborito kong panghimagas. Kanya-kanyang trabaho sa bahay. Ang aking kapatid ay nagwawalis, si papa nagsisibak ng mga kahoy, si mama pumunta sa palengke para mamili ng iba pang sangkap at ako ay nag-iigib ng tubig.
Inutusan din ako ni papa na balatan ang patatas at carrots para mailuto niya agad ang ulam. Maganda kasi na maagang matapos ang mga gawain gaya ng pagluluto para kakain nalang pagsapit ng hating-gabi o para may makain sa gustong kumain.
Hindi naman agad mapanis dahil may refrigerator at bago pa naluto. Sa tulong ng aking kapatid ay madali lang naming natapos ang pagbabalat ng patatas at carrots at handa na itong hiwain.
Nagpasya din akong bumili ng mga prutas gaya ng mansanas at mangosteen. Alam nyo mga ka steemians, hindi pa ako nakakain ng mangosteen simula ng bata pa ako. Kaya, nagpasya akong bumili para may mailagay na mabibilog sa lamesa. Kinaugalian kasi namin na maglagay ng mga mabibilog pampaswerte sa pagdating ng bagong taon.
Di nagtagal ay dumating na din si mama mula sa palengke na may dalang lansones at kyat-kyat. Isang uri ng citrus pero mas maliit lang kaysa prutas na orange.
Isinabit ko ito sa pinto dahil nakanet-bag naman ito. Tinulungan ko si papa na magluto at ako ang tagahiwa ng mga sangkap sa pagluluto. Usa din itong paraan para mapadali ang trabaho o gawaing-bahay.
Tuloy-tuloy na ang ang pagluluto dahil nakahanda na ang lahat. Maganda kasing tutulong sa trabaho kasi maliban sa mapadali ang trabaho ay makakakuha ka pa ng kaalaman kong paano lutuin ang mga ibat-ibang potahe.
Magagamit ang dagdag kaalaman kapag ako na mismo ang magluluto ng ulam, kaya maingat akong nakatingin habang nagluluto si papa.
Nang matapos na ang mga gawain, heto na ang aming simpleng handa. Kahit simpleng ang pagsalubong namin ng bagong taon ang mahalaga ay kompleto kaming pamilya sa pagsalubong ng taong 2022.
Tayong mga pinoy ay mahilig sa mga pampswerte gaya ng mabibilog na mga bagay sa lamesa, pero dapat may kasamang sipag at tyaga para makuha ang tunay na swerte at tagumpay.
Maraming salamat sa pagbasa at bumabati ako sa inyo ng Manigong Bagong taon sa inyong lahat.
Credit: @steemit.baa
Happy new year JB and family.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Happy new year din sa inyo tanan diha ate. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Happy New Year to all of you
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat nay, happy new year din sayo. 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Welcome
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Happy New Year ninyo diha dong., naa kay kulang sa imung round nga mga prutas., wa nimu nabutangan ug lubi ng alahing. lol
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahah next new year sir, butangan nako ug isa ka bulig 😂😂 Happy new year pud sa inyo tanan diha sir.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Happy new year dong Wyn and to your family! God bless.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat Ate, Happy new year din dyan sa inyong lahat. Godbless you all. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
wow! dami handa ah! Happy New Year to you and your family Del. More blessings this 2022.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat ate 😊😊 Happy new year dyan sa inyong lahat.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit