Isang mapagpalang hapon sa ating lahat mga ka STEEMIT, lalong-lalo na sa mga magbabasa ng aking post dito sa STEEMIT PHILIPPINES. A nakaraang araw, naitalakay ko ang ilan sa mga uri ng halaman at ang mga pangalan nito. Dahil sa dumadami ang naghahalaman ngayon dahil sa panahon ng Pandemya, naging mauso na ang mga halaman ngayon.
Ngayong araw na ito itatalakay ko ang iba pang uri ng halaman at ang pag-aalaga nito. Simulan natin;
Ito ay ang CALATHEA PLANT, isang uri ng halaman na mahirap patubuin. sa pagpaparami nito dapat kukunin lahat at isa-isahing itanim. Dapat sa paglilipat nito ay masasamahan ng ugat para tutubo talaga ito. Mahirap itong paghiwayhiwalayin dahil matigas ang mga ugat na kumakapit dito. Ang calathea ay maganda sa loob ng bahay.
Ito naman ay ang REVERSE SILVERFROST AGLAONEMA PLANT, isang uri ng halaman na tumataas halos lagpas tao. Madali lang itong patubuin. Puputulin lang ang puno nito at itatanim sa bagong lugar. Ang pagdidilig nito ay dalawa sa isang linggo. Titingkad ang kulay nito kapag hindi na aarawan.
Ito naman ang SWEET HONEY PLANT, madali lang ang pagpapatubo nito. Puputulin lang ang puno nito at ilipat sa ibang lugar na paglalagyan. Minsan lang ito didiligan dahil ang halaman nito ay nagtataglay ng maraming tubig sa katawan at madaling malanta.
Ito naman ang SNOWHITE AGLAONEMA, isang uri ng halaman na madaling dumami. dahil sa mapuputing kulay ng mga dahon nito ay nakaka-attract ito sa ibang tao. Kadalasang inilalagay ito malapit sa pinto nakakaayang tingnan kapag magkakaterno ang mga eto.
Ito naman ang RED SPOTS COLEUS PLANT, madali lang itong patubuin. Ang mga matured na mga sanga nito ay pwede ring itanim at ilang linggo lang ay magkakaugat na ito. Pwede ring ibilad ito sa araw dahil nakakatingkad ito ng kulay.
Ngayon natunghayan na naman natin ang mga ilan pang uri ng halaman na nakakapagbigay ng kagandahan sa ating paligid.
Bago ko taposin ang paksang ito, nais ko pong pasalamatan ang aking Auntie na pinaunlakan niya ang pag-interview ko sa kanya tungkol sa kanyang mga halaman. Dagdag pa rito, nais ko rin pong pasalamatan ang lahat na sumusuporta sa aking post, lalong-lalo na kay @olivia08, @otom, @diosarich, @loloy20 pati na rin ang Team steemit na sina,
@steemitcurator08
@steemitcurator01
@steemitcurator02
@steemitcurator03
Yun lamang po at maraming salamat sa lahat. Godbless us all.
Masarap magtanim jan at malawak ang pwede pag taniman. Keep it up!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat mamshie fycee 😁😁
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Plantitos and Plantitas.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Opo 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit