My Entry for Show Me Your Talent #6 @olivia08 | "Penomemon" Tagalog Poetry

in hive-169461 •  4 years ago 

Magandang umaga sa lahat, lalong-lalo na sa mga magigiliw na magbabasa dito sa steemit community. Bago ako magsimula sa aking tula ay nais ko munang pasalamatan at purihin si nanay @olivia08 sa kanyang magandang contest dito sa steemit. At para mas maging orihinal ang tula ko ay iginuhit ko talaga ang pagsasalarawan tungkol sa tula ko ngayong araw na ito na pinamagatang, Penomenon.

IMG_20210630_120745.jpg
Penomenon

"Umuulan ng tula sa umaga,
Tumingin sa labas, mga tulang nahuhulog
Sa bubong at saan man dako ng daigdig.
May nakalagay sa sanga at mga dahon
May nakalagay sa kagubatan, tanaman
At sa kabundukan at mapapatag na lugar"

"Bumaba ako upang tingnan,
Nitong paminsan-minsang milagro ng buhay
(Hindi ba ako nananaginip?)
Pero totoo, sa labas nakita ko
Mga tulang nakalagay nitong dibdib at palad,
Sa balikat at braso pati sa sa ulo
Sa kaliwa, napulot ko ang mga soneto,
Sa kanan, nakuha ko ang mga oda."

"Umuulan ng tula sa umaga
Mga tulang kulay puti, asul,pula
May berde, ginto at lila
Umuulan ng tula sa kaingin at banika,
Sa kubo, kamalig, paaralan at kapilya
Sa munisipyo, hospital at bahay na tisa.
Walang tigil na pagsulat ang kidlat
At ang kulog na nagbabahagi ng walang hanggang paglulumbay."

"Umawit ang mga ibon
Sumayaw ako sa tugtog ng buhay.
Sa malakas na agos na tumangay sa akin sa kawalan.
Nakarating sa panahon na puno ng kasiglahan,
Lumangoy sa umaalon-alon ng rima at ritmo
Pati sa nagababahang berso
Habang ang mundong ito ay nalunod sa tula."

"Nagising ako sa patak ng tula
Na nagmula sa bukas kong puso.
Parang perlas at mutyang nahulig mula sa langit.
Na siyang biyaya
Para sa magagandang tula sa puso at isipan."

jb123.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Wow! kaya pala ang galing mong magtula Del it's because it is raining with poems dyan sa inyo... haha. Umuulan ng tula kahit saan mang dako.
I love the message of your poem. For me it means we have to always see and view life with all it's beauty no matter where we are. There is beauty all around.

Salamat po ate..

Very talented ka talaga..keep it up.galing mo makata na mahusay sa pagpinta.

Salamat ate.. 😊

Ang ganda ng tula mo kuya @jb123
Galing! Sana all hehe
Gusto ko yung part nato
"Umawit ang mga ibon
Sumayaw ako sa tugtog ng buhay.
Sa malakas na agos na tumangay sa akin sa kawalan.
Nakarating sa panahon na puno ng kasiglahan,
Lumangoy sa umaalon-alon ng rima at ritmo
Pati sa nagababahang berso
Habang ang mundong ito ay nalunod sa tula."

Keep it up!

Salamat ate.. 😊😊

Makatang makata...galing mo talaga, thumbs up!

Thank you ate. 😁