Steemit Philippines Community Photography Contest Week 6 |Theme: LIFE STORY - Ang Storya Ng Aking Mabait Na Lolo

in hive-169461 •  3 years ago  (edited)

Magandang hapon sa ating lahat, lalo na ang mga myembro dito sa @steemitPhilippines. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay hindi talaarawan kundi ang mga masasayang storya sa buhay ng yumao kong mabait na lolo.

Ang post na ito ay bahagi ng contest natin dito sa ating komunidad and magbahagi ng mga masasayang ala-ala ng yumao nating mahal sa buhay.

IMG_20211029_113211.jpg

Ito si Lolo Cenen M. Ratunil, ang larawang ito ay kuha nang siya ay nakapagtapos sa kanyang koleheyo sa kursong Political Science. Kaya proud ako sa aking lolo.

IMG_20211029_102955.jpg

Lumipas ang napakaraming taon, nakapag-asawa si lolo kaya nandito kami sa mundong ibabaw. Marami ang masasayang mga araw ang nararanasan ko nang nabubuhay ang aking lolo. Tuwing umaga, pupunta siya sa aming bahay dala ang pasalubong na pandesal at ikinasasaya ko naman ito.

Kapag doon ako natutulog sa bahay nina lolo at lola ay pinagtitimpla niya ako ng gatas tuwing umaga, minsan isinasama niya ako sa palengke sakay sa isang bike na kong tawagin namin ay BMX. Mapagbigay si lolo Cenen, nagdadala din siya ng mga niluluto niyang pagkain doon sa aming bahay, at hindi ko malilimutan ang nilotu niyang pagkain na tinawag niyang, Inon-unang Ingles. Napakasarap magluto ni lolo, minsan kapag pupunta ako sa kanila ako ang alalay ni lolo sa pagluluto.

Mahilig si lolo magluto at kumain ng kilawin at dito natutu si papa kong paano magluto nito. Mahilig din si lolo ng kinilaw, napakasarap niyang gumawa ng kinilaw. Minsan, naglalaro kami ng aking lolo ng chess o dama, palagi akong natatalo sa kakalaro.

IMG_20211029_103152.jpg

Panganay si lolo sa siyam na magkakapatid. Lima silang magkakapatid sa unang asawa ng kanilang Ina. Apat naman sa pangalawang asawa. Inaalagaan niya ang kanyang mga kapatid ng maayos.

Dahil sa pagiging mabait ni lolo ay disiplinado din silang papa at ang aking mga uncle at tita ito ang kanyang mga anak, na siyang itinuro din sa amin.

Pero nang dumating ang sitwasyon na kong saan nagkaroon si lolo ng sakit na colon cancer, at siya ay nagdusa talaga sa kanyang sakit. Pitong taong nagdusa ng sakit na colon cancer si lolo at nang hindi na niya nakayanan ang sakit kaya binawian na siya ng buhay noong 2008.

Kahit larawan na lang ang aming nakikita pero nananatiling buhay pa rin siya sa aming ala-ala.

Bago ko tatapusin ang aking post ay nais kong imbitahan sina nanay @olivia08, ate @jurich60 at sir @long888 para sa contest na ito.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang hapon sa ating lahat.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang bait namn ng lolo mo Del. Thanks for sharing your memory with him.

Walang anuman po ate. Salamat sa pagbisita sa aking post 😊

Salamat sa pag share ug padayon walay liko liko

Salamat nay. 😊😊

gusto ko mag join ani mangita pakog picture

Sige sir. 😊😊

Maraming salamat sa pag share ng maganda mong storya tungkol sa lolo mo @jb123..

Walang anuman. 😊 Sumali ka sa photography contest dito sa @steemitphilippines.

Thank you for sharing.

Youre welcome sir,

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9
2. Creativity.9
3. Technique.8.5
4. Overall impact.9
5. Story quality.9
Total Rating8.9

Thank you sir..

Ang gwapo naman ni lolo nung kabataan! hehe. Ako din sobrang vivid pa mga experiences ko sa lolo ko pag hinahabol nya ako at ayaw ko umahon sa dagat kahit 5 hours nako naliligo! haha

Overall rating: 9.6

Salamat memshie. 😊😊😊 Mana ako kay lolo? 😂😂