Steemit Philippines Photography Contest| Week #3| FilipinoCulture: Ang Adobo

in hive-169461 •  3 years ago 

Magandang umaga sa ating lahat, at sa lahat ng mga magigiliw na magbabasa ng mga post at mga myembro dito sa @steemitphilippines. Una sa lahat, masaya ako dahil patuloy tumataas ang bilang ng mga myembro at mga aktibo dito sa @steemitphilippines.

IMG_20210903_225702.jpg

Adobo o Humba

Present Picture

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa paboritong pagkain nating mga Pinoy, ang Adobo. Ito ang pagkain na paborito ng mga pinoy kahit may highblood na pero kumakain pa rin nito. Ang adobo ay isang paraan ng paluluto gamit ang mga maraming mantika, isa rin itong paraan para hindi agad masira ang pagkain.

Simple lang ang pagluto ng adobo at may ibat-ibang paraan ng pagluto nito. Isa rin ito sa mga itinitinda sa mga kainan o restaurant. Maganda din itong gawing pulutan para sa mahihilig uminum. Ayon sa nakakatanda, ang adobo o humba sa bisaya ay paboritong niluluto noong unang panahon dahil pwede lang itong initin sa loob ng ilang araw. Habang pinapainit ito ng maraming beses ay lumalabas ang sarap nito.

May mga dayuhan din na paborito ang pagkain na ito, anila nalalasap nila talaga ang kultura ng mga Pinoy. At dahil mamantika ang pagkaing ito ay pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa pagkain nito. Dapat kunti lang ang kakainin para hindi tataas ang dugo.

Marami ang napasalin-salin na mga bagay, pagkain at mga simpleng paraan sa paglikha ng mga ito. Nakakamangha talaga ang mga ninuno natin dahil marami silang na imbensyon at nagawang mga bagay na lubos na nakakatulong sa atin ngayong makabagong panahon.

Maraming uri ng adobo, may adobong walang sabaw, may adobong merong sabaw. May adobong karne ng baboy, karne ng manok. Depende ito sa taong nagluluto nito.

Kahit anong mahahalaga at espesyal na okasyon ay hindi pahuhuli ang pagkain na ito. Espesyal kasi itong pagkain. Kapag bibili tayo ng adobo sa kainan ay may kamahalan talaga. Isa kasi sa mga espesyal na pagkaing pinoy.

Ang pagkaing pinoy ay isa sa mga paraan para tayo ay maging makilala ng ibng bansa. Kaya malaki ang kontribusyon sa ating bansa ang pagkaing Pinoy hindi lang bsa turismo kundi pati na rin sa kultura natin bilang isang Pilipino.

Bilang pagtatapos sa ating photography contest ay nais kong pasalamatan ang lahat ng mga nasa likod ng patimpalak na ito. Kuya @loloy2020, sir @juichi, sir @long888 at sa lahat ng mga sumali at aktibo sa ating kumonidad.

Ang Panginoon ay sumasainyong lahat.

Proud Pinoy

Proud Steemit Philippines M.O.D

jb123.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Naku favorite ko ang adobo lalo ang pork masarap jud sya. Nakakatuwa nga din dahil ang dami ng foreign celebrities ang gumagawa ng adobo and gustong gusto nila ang adobo natin. Ako gusto ko adobong tuyo yong lalabas na ang oil ng pork.... oooooh lalaaaaah! sarap, nagutom tuloy ako uli... haha

Opo ate, yan kasi ang isa sa mga patok na pagkain nating mga pinoy. 😊

Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme7
2. Creativity7
3. Technique7
4. Over all impact7
5. Quality of story8
6. Total score7.2

Electronic-terrorism, voice to skull and neuro monitoring on Hive and Steem. You can ignore this, but your going to wish you didnt soon. This is happening whether you believe it or not. https://steemit.com/fyrstikken/@sqube/3dhq8e-i-am-the-only-motherfucker-on-the-internet-pointing-to-a-direct-source-for-voice-to-skull-electronic-terrorism

Hang yummy ng adobo, daming makain na kanin.

Salamat ate, masarap talaga ate, lalo na kapag bigay ng kapitbahay. 😂